NAAYOS na ang naging gustot sa pagitan ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo at aktor na si John Lloyd Cruz.
Sa naging guesting ng “Pinoy Big Brother” host sa “Fast Talk with Boy Abunda”, nausisa siya kung kumusta na sila ngayon ni John Lloyd.
Lahad ni Robi, hindi sinasadya ang nangyari sa pagitan nila noon ng aktor.
Matatandaang last year ay nagkaroon ng kumprontasyon sa pagitan ng dalawa sa reception ng kasal ng kanilang mga kaibigan na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.
Baka Bet Mo: John Lloyd Cruz, Robi Domingo muntik magsuntukan sa reception?
View this post on Instagram
Parehas na imbitado sa private event sina John Lloyd at Robi kung saan nagsilbing host ang huli.
Naunang lumabas ang balita sa vlog ni Ogie Diaz kung saan nasaktan daw umano si John Lloyd nang tanungin si Zanjoe kung ano ang pakiramdam nito bilang “Mr. Atayde” na kasunod na tanong niya kay Ria bilang “Mrs. Marudo”.
“I guess it just happened on a whim. But in a nutshell, what I want to say is it’s done,” saad ni Robi.
Pagpapatuloy niya, “I appreciate kuya Lloydie kasi he reached out to different managers in Star Magic para maayos at doon sa circle of friends namin. Okay na, all is well.”
Samantala, nagbigay noon ng reaksyon si Ria sa nangyari sa kanyang naging panayam sa ABS-CBN News.
“If something happened between them [Robi at John Lloyd], they kept it away from me. It wasn’t something that disrupted the event or anything, it went very smoothly. It was a beautiful night,” sey ni Ria.
The post Robi Domingo, John Lloyd Cruz bati na: All is well appeared first on Bandera.
