Sheree na-bad trip sa ginawa ng lalaking lasing habang nagpe-perform

Sheree na-bad trip sa ginawa ng lalaking lasing habang nagpe-perform

Viva Hot Babe Sheree

HINDING-HINDI pa rin nakakalimutan ng actress-dancer na si Sheree ang naging karanasan niya sa isang lasing na lalaki habang nagpe-perform on stage.

Chika ng original member ng Viva Hot Babes, nabugahan siya ng tubig sa mukha ng male fan na kakantahan sana niya sa ginawa nilang show ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Kuwento ng aktres sa panayam ng online talk show na “Your Honor”, lasing na lasing na raw ang naturang fan nang umakyat ito sa stage.

“I had a show somewhere in the province. Tapos alcohol kasi ‘yung event.

Baka Bet Mo: Maui Taylor trending dahil sa pagpaparetoke, netizens nanghinayang

“So nu’ng umakyat ‘yung guy, lasing na siya. So sabi ko, bigyan natin ng tubig bago ko siya kantahan. Kasi medyo barag-barag na siya, ganyan (pasuray-suray) na siya. Wala na siya sa sarili niya,” pagbabalik-tanaw ni Sheree.

Pero sa halip na inumin ang tubig, naibuga raw ito ng fan kay Sheree.

Siyempre, na-bad trip ang aktres sa nangyari at buti na lang daw at nakapagpigil siya na patulan ang lasing na lalaki dahil na rin sa pagpigil sa kanya ng mga kasamahan niya.

Pinairal pa rin daw niya ang presence of mind at professionalism kaya sa kabila ng insidente ay ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang performance.

The post Sheree na-bad trip sa ginawa ng lalaking lasing habang nagpe-perform appeared first on Bandera.

Source link