TINIYAK ni Sen. Robin Padilla ang pagharap sa Department of Justice (DOJ) sa Setyembre 25 at Oktubre 29 kaugnay sa kinakaharap na reklamong obstruction of justice.
Kasabay nito, pinanindigan ni Padilla na hindi na sila nakapag-usap ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa mula nang pasabayin niya ito sa kanyang sasakyan noong madaling araw ng Mayo 14.
“Wala na po, nu’ng bumaba sa sasakyan ko si Bato wala na po, break na kami!” pahayag ng aktor at senador.
May alegasyon na tinulungan ni Robin Padilla si Dela Rosa na tumakas ilang oras matapos ang sinasabing barilan sa loob ng Senado noong gabi ng Mayo 13.
Naninindigan si Padilla na hindi dapat ituring na pagtakas ang ginawa ni Dela Rosa dahil may CCTV footages at may nagbabantay na 2,000 pulis nang lumabas sila ng Senate Complex.
Kasabay nito, sinabi pa ng senador na masaya siya na haharapin ang reklamo ng pambansang pulisya sa kanya.
Baka Bet Mo: DOJ iniutos full force manhunt kay Bato dela Rosa
Ngunit aniya mas magkakaroon siya ng “pride” kung ang International Criminal Court (ICC) ang nagpatawag sa kanya.
Maliban sa tatlong araw na ipinasok noong Mayo 11 hanggang Mayo 13, hindi na pumasok sa Senado si dela Rosa simula noong nakaraang Nobyembre.
The post Robin Padilla umamin na: Break na kami ni Bato! appeared first on Bandera.
