Nikko Natividad tanggap na hindi pangbida tulad nina Daniel, Joshua

Nikko Natividad tanggap na hindi pangbida tulad nina Daniel, Joshua

Daniel Padilla, Joshua Garcia at Nikko Natividad

ISA sa wake-up call ni Nikko Natividad ang payo sa kanya ng mga nakatrabaho niyang veteran actors na laging mag-ipon habang kumikita siya.

Ito’y dahil hindi naman daw habambuhay na malakas siya at maraming natatanggap na offers.

Bukod sa mga payo na ito ay maraming napanood si Nikko sa vlog ni Julius Babao na “Unplugged” na dating mga kilalang celebrities na nangangatok sa mga producers na mabigyan sila ng trabaho para may pangtawid sa araw-araw.

At halos lahat naman ng na-feature sa “Unplugged” ay nabigyan ng trabaho sa mga programa ni Coco Martin tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “FPJ’s Batang Quiapo” at ang umeereng “Sigabo” dahil pinapanood pala talaga ito ng aktor, direktor at producer para bigyan ng chance ang mga ito.

Going back to Nikko, mukhang paborito siya ni Coco dahil napasama siya sa “Ang Probinsyano” at “Batang Quiapo” at muli siyang pinatawag sa “Sigabo” kaya naman sobrang grateful ang aktor.

“Handpicked po kami (para sa Sigabo), makakaramdam ka ng kilig kasi vocal na sinasabi (Coco) na bawa’t karakter na kahit maliit ang role o malaki dumadaan po sa kanya.  Talagang hahanapin (sabi) kontakin n’yo to, ito ang gusto ko.

“So, nu’ng time na pinaplano po ‘yan (Sigabo) sakto wala po akong work may tumawag po at sinabi na secret muna, pinapakontak ka ni direk Coco.  Siyempre tanggap ko agad hindi ko pa nga alam ‘yung role walang presyo-presyuhan (talent fee), um-oo agad ako,” kuwento ni Nikko.

Ang pinakadahilan kung bakit tinanggap niya agad ang “Sigabo” kahit hindi pa alam ng aktor ang karakter niya, “Ang habol ko po talaga dito ay alam naman nating maganda ‘yung show, taon po ang inaabot at iba rin pag kasali ka.

Baka Bet Mo: Nikko Natividad looking ng bagong yaya para sa anak: ‘Yung maganda, sexy!

“Kasi may tulong every time na pumupunta rito (pag-aaring coffee shop) ang mga tao, (sabi nila), ‘Oy nanonood kami ng Sigabo, dinayo ka namin kaya kami nagpunta diyan, natutuwa po ako,” masayang sabi ng dating member ng grupong Hashtags.

Natanong ni Julius kung gaano kahalaga ang magkaroon ng negosyo sa mga artista tulad ni Nikko.

“Unang-una ang dami ko pong napapanood sa inyo (Unplugged) na interview siyempre dating sumikat (at hindi) nakaipon, parang wake-up call din po sa akin na ayaw kong mangyari sa akin.

“Lagi rin po akong pinapangaralan kapag may nakakatrabaho na matatagal na artista at sinasabi sa amin na mag-ipon kayo, ‘wag n’yo kaming gayahin.

“So, ako naging wake up call ko na habang kumikita ako habang may pampuhunan ako gamitin ko kasi kailan ko pa maiisipang magnegosyo po kapag wala na akong pampuhunan?

“Kaya ngayong may kumukuha sa aking shows, ‘yung pera na hinahawakan ko, palaguin ko.

“Lalo po sa akin na tanggap kong hindi na po ako pangbida, hindi na ako ‘yung mala-Joshua Garcia, Daniel Padilla na maraming endorsements.  Alam ko po na hindi na ako pangganu’n kaya isipan ko ng ibang way kung paano po gaganda ang buhay ko,” paliwanag ni Nikko.

The post Nikko Natividad tanggap na hindi pangbida tulad nina Daniel, Joshua appeared first on Bandera.

Source link