Anne Curtis pumalag sa nang-okray sa mukha niya: Who hurt you?

Anne Curtis pumalag sa nang-okray sa mukha niya: Who hurt you?

PINALAGAN ng TV host-actress na si Anne Curtis ang netizen na umaalipusta sa kanyang mukha.

Sa X (dating Twitter), isang netizen ang nagbahagi ng screenshot na mula sa isang video clip ng interview sa celebrity mom kung saan makikita ang matingkad na skin texture ng mukha nito.

“Retokada yarn? Exhibit A – anak ” saad ng netizen sa caption ng post niya tungkol kay Anne.

Nakarating naman sa “It’s Showtime” host ang naturang post at diretsahan niyang sinagot ang batikos na natanggap.

Baka Bet Mo: Anne Curtis tikom sa bukol sa leeg, pero: I’m doing OK!

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Can proudly say I’m not retokada at all and for me, for me lang naman, my daughter and I are both beautiful,” saad ni Anne.

Pagpapatuloy pa niya, “I usually don’t give people like you the time of the day but wala lang.”

Mukhang hindi nagustuhan ni Anne ang ginawa ng netizen na pandaramay sa kanyang anak kaya hindi rin nito napigilan ang sumagot sa post ng netizen.

Aniya, kahit na ganoon ang ginawa ng netizen ay nais pa rin niya itong pakitaan ng kabaitan.

Sey ni Anne, “I don’t know who hurt you or why you’re so angry with me but nonetheless sending you some kindness maybe you some in your life.

“Big virtual hug I mean that, sincerely. Good night!”

Marami naman sa mga netizens ang nag-react sa ginawang pang-a-ansya ng basher kay Anne.

“imagine saying this online na you can’t even show your face,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Nyeta ka …. eh yun pinost mong pic ni Anne, mas maganda pa din sa nakakarami. Walang ipapangit ang nagiisang Diyosa!”

“atleast maganda padin kahit malakas ang lights,eh ikaw kaya siguro wala pang lights mukha ka ng ingrown or  mukha kang pigsa na mabaho,” sabi naman ng isa.

Hirit pa ng isa, “Talagang ang nag-iisang Anne Curtis pa ang inamats mo ah? Teh, amacana!”

Well, hindi lang ang tinaguriang “Dyosa” ang nakaranas ng bashing dahil maging ang kanyang sisteret na si Vice Ganda ay napagdiskitahan sa TikTok dahil sa kanilang naging itsura sa inilabas na video na mula sa kanilang pagdalo sa Preview Ball 2026.

The post Anne Curtis pumalag sa nang-okray sa mukha niya: Who hurt you? appeared first on Bandera.



Source link