IPINAGTANGGOL ni Aira Bermudez ang leader ng iconic group na SexBomb Girls na si Rochelle Pangilinan.
Nagsalita na rin si SexBomb member Aira tungkol sa umano’y samaan ng loob at awayan sa pagitan ng ilang miyembro ng grupo pati na sa pambabasag kay Rochelle as the leader of the group.
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Aira ng kanyang saloobin hinggil sa patuloy na umiinit na kontrobersya sa SexBomb Dancers.
Ito’y kaugnay na rin ng hindi pagkakasama ng ilang member sa bagong music video ng grupo para sa kanta nilang “Mama, Mama” tulad nina Jopay Paguia at Sunshine Garcia.
Ni-repost ni Aira ang litrato ng guesting ng SexBomb kamakailan sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan napag-usapan nga ang pagiging leader ni Rochelle sa kanilang grupo.
Dito rin inamin ni Rochelle na totoong may mga pagkakataon na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang ilang miyembro tulad din ng nangyayari sa isang pamilya.
Mababasa sa caption ng post ni Aira, “May mga taong ginagawang bossy ang pagiging matatag, at tinatawag na control freak ang pagiging deretso magsalita.
Baka Bet Mo: Jopay Paguia kay Rochelle: Kung ayaw po akong kausapin, walang problema
“But what they don’t see is the heart behind it all,” sey ni Aira.
Pagpapatuloy pa ng singer-dancer, “Rochelle is the kind of leader who will always put the group’s growth above her own career.
“Strict sya kasi mataas ang standards niya, and she pushes us to have this level of discipline so we can give our absolute best sa lahat ng naniniwala sa talent namin.
“She just wants to share the blessings, wisdom, and success na pinaghirapan nya.
“People love to embrace the wins without seeing the silent sacrifices she makes to get us there and that’s okay,” saad pa ni SB Aira.
Siniguro rin niya na walang ibang gusto si Rochelle kundi ang mapabuti at magtagumpay ang lahat ng member ng grupo.
“I know her heart, I see her hard work, at buong-buo ang respeto ko sa kanya. A true leader who carries us all with pure love,” dagdag na pahayag ni Aira.
The post Aira Bermudez super tanggol kay Rochelle: A true leader…with pure love appeared first on Bandera.
