Klea Pineda umalma sa pambu-bully sa amang PWD

Klea Pineda umalma sa pambu-bully sa amang PWD

Klea Pineda kasama ang kanyang pamilya

BINUWELTAHAN ng Kapuso actress na si Klea Pineda ang netizen na nag-post ng insensitive comment patungkol sa kanyang amang PWD o person with disability.

Hindi pinalampas ng aktres ang ginawang panlalait ng isang social media user sa tatay niyang may kapansanan.

Ni-repost ni Klea sa kanyang socmed account ang Instagram story ng kanyang kapatid na si Kaye Pineda, kung saan ginawang katatawanan ng netizen ang kundisyon ng kanilang amang may “microtia.”

Mababasa sa conversation thread ng post ang pag-uusisa ng nasabing netizen kay Kaye kung bakit walang isang tenga ang kanilang ama.

Sinagot naman siya ni Kaye, at sinabing may microtia nga ang tatay nila simula nang ipanganak ito at sinabihan ang  netizen na i-search na lamang sa internet kung anong disability ito at ang different stages nito.

Ngunit pambebengga ng netizen, akala raw niya ay ginawang “sisig” ang tenga nito.

Sa mga hindi masyadong aware, ang traditional na pork sisig sa Pilipinas na ginagawang ulam at pulutan, ay karaniwang gumagamit ng tenga ng baboy bilang pangunahing sangkap.

Dito na pumalag si Klea, “Hi! I don’t usually respond to these types of things but since someone decided to be ignorant might as well take this opportunity to spread awareness instead.”

Baka Bet Mo: Janella Salvador: Tama na ang panggag*go sa ating mga Pilipino!

Kasunod nito, nag-explain din ang Kapuso actress kung ano ang Microtia.

“And since someone decided to mock my papa’s disability, let’s talk about it. Microtia is a birth defect in which the outer ear is not formed or is missing. 

“It’s not something that happened ‘to’ someone, and it’s nothing to be ashamed of.

“You don’t have to like someone or their family, but making fun of a person with a disability is an entirely different level of ignorance. 

“My papa’s disability is not a punchline, a joke or something you get to use to attack someone else.

“Making fun of someone’s disability doesn’t make you funny or cool. Imagine being so desperate to attack someone that you resort to making fun of a disability they were born with. 

“That says more about you than it ever will about my papa,” ang litanyan ni Klea.

Sa isa pa niyang hiwalay na Instagram story, matapang ba sinabi ni Klea na handa niyang protektahan ang kanyang pamilya kahit na ano pa ang mangyari.

“Gotta protect my people at all costs,” ang tila may pagbabanta pang mensahe ng aktres.

Wala namang binanggit si Klea kung magsasampa siya ng kaukulang kaso laban sa netizen.

Labag sa batas ang pambu-bully sa mga PWD, base na rin sa inamyendahang Republic Act No. 7277 o Magna Carta for Disabled Persons, kung saan ipinagbabawal ang panlilibak, pang-aalipusta, pagpuna, o pagpapahiya sa mga person with disability.

The post Klea Pineda umalma sa pambu-bully sa amang PWD appeared first on Bandera.

Source link