FRESH at ang yummy-yummy ng awrahan ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia nang rumampa sa red carpet grand mediacon ng “Always Yours, Never Mine.”
Naganap ang event sa Uptown Mall Cinema sa BGC, Taguig City nitong nagdaang Biyernes, September 18, na dinaluhan ng cast members ng pelikula sa pangunguna nga nina Joshua at Julia Barretto.
Pinatunayan ng aktor na hindi “Hagardo Verzosa” (read: haggard) ang kanyang itsura base na rin sa kanyang pa-“face card” sa presscon.
May naglabasang mga litrato ng tambalang JoshLia sa social media kung saan tila pagod at puyat ang itsura ni Joshua.
Nag-post kasi ang aktor sa Facebook ng reels para sa promo ng “Always Yours, Never Mine”.
Tatlo rin ang mga videos na ibinandera ni Joshua pero halos iisa lang ang mga napuna ng netizens.
Bukod sa bagong kulay ng kanyang haitlr ay tila mukhang haggard na raw binata.
Isang netizen ang nag-post sa Reddit about Joshua’s face. Tanong nito, dahil ba sa bagong kulay ng buhok ng binata na hindi bumagay sa kanya o dahil kulang ito sa tulog dahil sa trabaho?
Maraming nagsabing mukha ngang hindi fresh ang itsura ng aktor sa mga naturang litrato kaya naman ang nagkakaisang comment ng netizens, “Welcome to the haggard era!”
Pero sa pagharap nga ni Joshua sa members ng entertainment media, sariwang-sariwa ang kanyang itsura at walang traces ng kapaguran o kapuyatan.
Baka Bet Mo: Julia Barretto: Anak lang ako ni Marjorie, but I work hard for what I have
Anyway, pinalakpakan naman ang trailer ng bagong obra ni Cathy Garcia-Sampana na “Always Yours, Never Mine” sa naganap na mediacon ng pelikula under Star Cinema and ABS-CBN Studios.
In fairness, mukhang kakaiba at promising na naman ang bagong movie ng Joshlia na huling napanood sa pelikulang “Un/Happy For You” noong 2024.
Natanong ang JoshLia kung paano nila name-maintain ang “mutual respect and peace” sa kanilang relasyon bilang mag-ex, magkaibigan at magka-loveteam.
Sey ni Joshua, “Siyempre you have to accept that people grow, you have to respect kung nasaang estado ka ng buhay ngayon.”
Para naman kay Julia, “There’s something bigger than just what had transpired in the past.
“For me Josh is more than a screen partner, there’s something so profound in having shared so many milestones so much together,” aniya pa.
“I’m lucky that I have that kind of partnership and friendship in my lifetime.
“I’m just so grateful for everything that we’ve shared, the hard work, teamwork, efforts, good and bad times. Gratitude, above all else, is the one that’s going to keep the respect going,” dagdag na pahayag ng aktres.
Kabilang din sa cast ng “Always Yours, Never Mine” sina Bianca Umali, Joy Barcoma, Karen Reyes, Bob Jbeili, Migs Almendras at Chanda Romero.
Showing na ito sa lahat ng sinehan simula sa September 30. Siniguro rin nina Joshua at Julia na hindi masasayang ang perang ibabayad n’yo sa sinehan para sa kanilang bagong pelikula.
The post Joshua Garcia fresh na fresh, yummy pa rin; no to ‘haggard era’ appeared first on Bandera.
