Vincent Co may malasakit sa movie industry, todo suporta sa CinePanalo

Vincent Co may malasakit sa movie industry, todo suporta sa CinePanalo

Vincent Co at Chris Cahilig

TODO-TODO ang suportang ibinibigay ng asawa ni Bea Alonzo na si Vincent Co sa CinePanalo Film Festival.

Mula sa unang edisyon ng Puregold CinePanalo, hanggang sa ikatlong taon nito ngayong 2026, patuloy ang pagbibigay ng 100 percent support ng bilyonaryong negosyante sa movie industry.

Sa naganap na formal announcement at grand mediacon ng CinePanalo 2026, binalikan ng Festival Director na si Chris Cahilig ang naging journey ng taunang event for the past three years.

Narito ang buong mensahe ni Direk Chris para sa lahat ng sumusuporta sa CinePanalo kung saan special mention nga si Vincent Co.

“Tatlong taon na pala.

“Tatlong taon na mula nang inilunsad namin ang Puregold CinePanalo. At kung babalikan ko ang simula, hindi ko rin talaga inakala na ang isang konseptong ganito ay buong pusong susuportahan ng isang grocery chain na minamahal nating mga Pilipino.

“Nagsimula ang CinePanalo sa isang malikot na ideya: Paano kung gumawa ng film festival ang isang grocery chain?

“Noong una naming inilunsad ito, marami ang hindi naniwala. Marami ang nagduda. Marami ang nagtanong kung seryoso ba talaga kami.

“Pero sumugal ang Puregold.

“Sumugal sila sa isang festival na noon ay ideya pa lamang—dahil naniwala sila sa kakayahan at husay ng Filipino filmmakers. Naniwala silang kapag binigyan natin ng pagkakataon ang mga kuwentong Pilipino, kaya nilang makipagsabayan, kaya nilang tumawid ng mga hangganan, at kaya nilang makarating sa mga lugar na hindi natin inaakalang mararating.

“At ngayon, tatlong taon na ang lumipas, tingnan ninyo kung nasaan na tayo.

Baka Bet Mo: Rochelle, John, Sassa, Khalil, Joross, Xyriel bardagulan sa 2026 CinePanalo 

“Ang mga pelikulang nagsimula rito ay humakot ng mga parangal, nakarating sa iba’t ibang bansa, at nagdala ng mga kuwentong Pilipino sa mga manonood sa labas ng Pilipinas. Kinilala rin ang ating mga pelikula ng iba’t ibang local award-giving bodies.

“Ang dating malikot na ideya, ngayon ay may mga pelikulang naglalakbay na sa mundo.

“Sa unang dalawang taon, pinili naming magkaroon ng isang malinaw na tema: ‘Mga Kuwentong Panalo ng Buhay.’ Nais naming makalikha ng mga pelikulang nagbibigay-inspirasyon.

“Pero ngayong taon, may binago kami. Tinanggal namin ang tema.

“Hindi dahil wala na kaming gustong sabihin, kundi dahil gusto naming mas makinig.

“Hinayaan naming malaya ang ating mga filmmaker na magkuwento—kung ano ang gusto nilang sabihin, kung ano ang gusto nilang ipakita, at kung ano ang tingin nilang kailangang marinig at makita ng ating mga manonood.

“At napakaganda ng naging resulta.

“Mayroon tayong 19 student short films—19 na pelikulang may kanya-kanyang tinig, pananaw at paraan ng pagtingin sa buhay at sa pagiging Pilipino.

“At mayroon tayong pitong full-length films na tunay na kuha ang panlasa ng ating mga manonood. Pitong pelikulang maipagmamalaki natin bilang Pilipino—sa kalidad ng paggawa, sa husay ng pagkukuwento, at higit sa lahat, sa kakayahan nitong hulihin at isalarawan kung sino tayo.

“Iba’t ibang pananaw. Iba’t ibang tinig. Iba’t ibang bisyon. Pero sa loob ng sinehan, nagsasama-sama ang lahat ng ito sa iisang malaking kuwento—ang kuwento natin bilang mga Pilipino.

“At para sa akin, iyon ang tunay na ganda ng CinePanalo.

“Bilang Festival Director, punong-puno ako ng kasiyahan dahil nakikita kong unti-unti nating natutupad ang mga pangarap na minsan ay malikot na ideya lamang.

“Pero alam kong nagsisimula pa lamang tayo.

“Malayo pa ang maaaring marating ng CinePanalo. Marami pang kuwentong kailangang hanapin. Marami pang tinig ang kailangang marinig. Marami pang filmmaker ang kailangang bigyan ng pagkakataon. At marami pang pelikulang Pilipino ang nararapat mapanood—dito man sa ating bansa o saan mang sulok ng mundo.

“Dahil habang may Pilipinong may kuwentong gustong sabihin, dapat may espasyong handang makinig. At habang may filmmaker na nangangahas mangarap, dapat may handang maniwala.

“At iyon ang nais naming patuloy na maging papel ng CinePanalo.

“Kaya nais kong magpasalamat sa lahat ng naging bahagi ng paglalakbay na ito.

“Una sa lahat, sa Puregold, at sa butihing pangulo nitong si Mr. Vincent Co, na mula pa lamang sa simula ay naniwala at tumulong upang maisakatuparan ang lahat ng ito.

“Kay Ms. Ivy Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold, at sa ating mga kasama sa Republic, ang creative agency ng Puregold—maraming salamat sa walang sawang pagtatrabaho at paniniwala sa festival.

“Sa ating mga hurado at selection committee, maraming salamat sa oras, talino at malasakit na ibinahagi ninyo.

“Sa ating major sponsors—CMB Film Services, MTRCB, Asia Pacific FIlm Institute, Film Development Council of the Philippines, STAGE POST AUDIO AND MUSIC PRODUCTIONS INC., Canon Marketing Philippines, IM Rentals, Gateway Cineplex 18, Terminal Six Post, Ayala Malls Cinemas —maraming salamat sa patuloy na pagsama at paniniwala sa amin mula sa simula hanggang ngayon.

“Sa ating mga kaibigan sa media, maraming salamat dahil mula pa noong unang taon, tinulungan ninyo kaming palakihin ang CinePanalo at ipaabot ang mga pelikula at kuwentong ito sa mas marami pang Pilipino.

“At higit sa lahat, sa ating mga filmmakers—estudyante man o propesyonal—maraming, maraming salamat. Kayo ang puso ng festival na ito.

“Ibinuhos ninyo ang inyong husay, panahon, tapang at imahinasyon upang makalikha ng mga pelikulang hindi lamang natin mapapanood, kundi sana ay dadalhin natin paglabas ng sinehan—mga kuwentong magpapatawa, magpapaiyak, magpapaisip, at marahil, magpapabago rin sa paraan ng pagtingin natin sa isa’t isa.

“Tatlong taon na tayo.

“At kung may isang bagay na pinatunayan ng tatlong taon na ito, iyon ay hindi kailanman.”

The post Vincent Co may malasakit sa movie industry, todo suporta sa CinePanalo appeared first on Bandera.

Source link