MASAYANG ibinandera ng American singer-songwriter na si Avril Lavigne ang pagpasok sa bagong yugto sa kanyang buhay bilang isang ina.
Sa isang Instagram post nitong Biyernes, November 13, proud na ibinahagi ng “Complicated” singer ang larawan habang karga ang kanyang baby.
“Our Mini F—ing Princess has arrived ,” caption ni Avril sa kanyang Instagram post.
Makikita rin ang larawan ng kanilang kamay ng mystery partner na nakahawak sa kamay ng kanilang bagong silang na anak.
Baka Bet Mo: Avril Lavigne, Tyga magdyowa, ‘spotted’ na naghahalikan sa Paris
Hindi naman na ibinahagi ni Avril ang identity ng ama ng kanyang anak.
Marami naman sa mga fans ang nagulat sa kanyang pagbubuntis dahil wala namang nababalitaang may partner siya o kahit na ang kanyang pagbubuntis.
Dalawang beses nang ikinasal so Avril. Una ay kay Sum 41 frontman na si Deryck Whibley mula 2006 to 2010 at kay miyembro ng rock band na Nicklelback na si Chad Kroeger mula 2013 to 2015. Na-engage rin siya noong 2022 kay Mod Sun (real name: Derek Smith).
The post Avril Lavigne ganap nang ina, proud mommy sa kanyang baby girl appeared first on Bandera.
