INULAN ng kaliwa’t-kanang pambabatikos ang rapper-songwriter na si Gloc 9 o Aristotle Condenuevo Pollisco sa totoong buhay matapos maging ambassador ng isang online gambling platform.
Labis na dismaya ang naramdaman ng madlang netizens dahil hindi nila inaakala na maging ang rapper ay papasukin na rin ang pagiging online gambling endorser.
Sunud-sunod nga ang naging pahayag ng mga netizens kung saan kinuwestiyon nila ang dahilan kung bakit ito nagawa ni Gloc-9.
Mayroon pa na nagsasabing malayo sa mga pahayag niya sa mga naisulat na kanta gaya ng “Upuan” ang ginawa nitong kanta para sa sugal.
Baka Bet Mo: Gloc-9 bawal kantahin ‘Upuan’ sa ilang show
Giit ng nakararami, maaaring makaimpluwensiya ang ginawa ni Gloc-9 sa mga taong sumusuporta sa kanya na maengganyo magsugal.
Sa isang panayam ay inilahad naman niya ang naging rason kung bakit pumayag siya sa pag-promote ng online gambling.
“Nako!” napasigaw na sagot ni Gloc-9. “I’ve been in the industry for 30 years. Noong gumulong sa harapan ko ang project na ito, may time rin na kino-contemplate ko siya.”
Ngunit may nakita raw siyang magandang Instagram reels.
“Dapat matuto tayong tumanggap ng mga bagay na out of our comfort zone. Ito ay challenge sa akin. May mga haharapin din akong mga bagay dahil dito,” sey ni Gloc-9.
Pagpapatuloy niya, “I think sa almost three decades na binigay sa industriya, pwede ko naman sigurong piliin kung anong trabaho ‘yung tatanggapin ko.”
The post Gloc-9 binatikos, kinalamag sa pag-endorse ng sugal appeared first on Bandera.
