BINI Mikha pinuri ni Gabriel Go: I gotta give it to her

BINI Mikha pinuri ni Gabriel Go: I gotta give it to her

HINANGAAN ng Special Operations Group-Strike Force (SOG-SF) head ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Gabriel Go si BINI Mikha Lim sa ipinakita nitong accountability matapos masita sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.

Sa kanyang Facebook post nitong Huwebes, November 12, bagama’t nagkamali ang dalaga ay mabilis nitong kinilala ang pagkukulang at handa siyang harapin ang epekto ng kanyang ginawa.

“Nagkamali man pero handang harapin ang pagkakamali at tinanggap ito bilang aral,” saad ni Go.

Si Go ay kilala ng madlang pipol sa paghuli sa mga lumalabag sa traffic at road rules.

Baka Bet Mo: BINI Mikha nagsisi sa ginawang mali: I promise to do better

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“I gotta give it to her, this is what you call ACCOUNTABILITY!” papuri pa ni Go sa ginawa nitong BINI Mikha.

Kalakip ng kanyang post ay ang screenshot ng official statement na ibinahagi ng BINI member.

Matatandaang nag-viral si Mikha matapos pansinin ng netizens ang kanyang livestream habang nagmamaneho.

Dahil rito ay naglabas ang Land Transportation Office (LTO) noong Miyerkules, November 11 ng show cause order para sa dalaga.

Agad namang pumunta sa tanggapan ng LTO si Mikha upang magsumite ng sinumpaang paliwanag at mga dokumentong susuporta sa kaniyang panig at tanda na rin ng pagpapakita ng pag-ako sa pagkakamali.

“I want to sincerely apologize for my actions. There is absolutely no excuse for using my phone while behind the wheel. It was careless and irresponsible,” saad ng singer-performer.

Kabilang sa mga posibleng paglabag na sinusuri ng ahensiya ang Republic Act No. 10913 o Anti-Distracted Driving Act, reckless driving, at pagiging improper person to operate a motor vehicle.

The post BINI Mikha pinuri ni Gabriel Go: I gotta give it to her appeared first on Bandera.



Source link