PAK na pak ang kagandahan at kaseksihan ng “It’s Showtime” host-dancer na si Jackie Gonzaga bilang pinakabagong Calendar Girl.
Ni-launch kagabi, November 12, si Ate Girl Jackie bilang 2027 Ginebra San Miguel Calendar Girl na ginanap sa Diamond Hotel sa Ermita, Manila.
Mixed emotions ang naramdaman ng Kapamilya star nang matanggap niya ang offer mula sa GSM na inilarawan niyang “fantasy” at “dream come true.”
“Talaga? O sh*t! Parang hindi pa ako makapaniwala na, ‘Totoo ba? Ako? Ako talaga? Ako na ‘to? Ako na ang makikita ng mga tao sa kalendaryo sa January 1, na may babaeng naka-ganu’n. Ako na ang bubungad sa 2027 calendar ng sambayanang kabarangays!
Baka Bet Mo: Jackie Gonzaga nagsalita na sa ‘real score’ sa kanila ni Darren Espanto
“Siyempre, di ba, parang isang malaking portrait, ‘Ay, atake, panalo siya, nandu’n siya sa kalendaryo.’ Parang o, January 1, sino ka d’yan? Ganu’n!” aniya pa.
May anim na layout ang kalendaryo ni Jackie na nagpapakita ng iba’t ibang flavor at lasa ng kanyang personality.
“Feeling ko, makikita n’yo dito yung pagiging fierce. Yung ang dami mong pinagdaanan —masaya, malungkot, masakit. Pero yung 2027, yung mukha mo, na para bang walang nangyari. ‘Sino siya, ang lakas ng dating,’ parang ganu’n.
“Yun ang ipinapakita ko, na sa kabila ng lahat ng nangyari sa buhay mo, pwede kang bumangon kahit ano pa man ang pinanggalingan mo. Kaya heto ako ngayon, nasa 2027 calendar po ninyong lahat,” chika ng dalaga.
Sa isang bahagi ng media launch, hindi napigilan ng dalaga na maging emosyonal nang mabanggit niya ang namayapang ina na siyang itinuturing niyang role model.
“Sorry po, naging emotional. Paminsan-minsan nakakalusot yung emosyon na ibibigay ko talaga yung tunay na nararamdaman. Hindi naman po ako mapagpanggap.
“Grabe kasi yung emosyon na nararamdaman ko sa oras na ‘to…pasasalamat, kasiyahan, lungkot, halo-halo talaga,” lahad ni Jackie.
Kuwento pa niya, namayapa ang kanyang nanay noong September, ilang linggo bago niya simulan ang pictorial bilang 2027 Calendar Girl. Sey ni Jackie, “Feeling ko, nandito siya.”
Inialay din niya ang pagiging GSM 2027 Calendar Girl sa kanyang “It’s Showtime” family, “Sobrang grabe yung support nila sa akin, not just sa blessing.
“Even yung mga down moments ko, nandiyan sila. Shine-share ko ‘tong blessing na ‘to, itong opportunity na ‘to, sa buong Showtime family. This is our win!” sey pa niya.
Hirit pa ni Jackie para sa darating na 2027, “Manggugulat at manglalamon ako!”
The post Jackie Gonzaga manglalamon bilang 2027 Calendar Girl: PAK! appeared first on Bandera.
