MUKHANG hindi kayang pigilan ng anumang parusa ang pagiging malinis ni Jeo Ong sa loob ng Bahay ni Kuya!
Isa si Jeo sa mga housemate ng “Pinoy Big Brother Collab 3.0” na nakatanggap ng parusa dahil sa paglabag sa mga patakaran ng reality show.
Pero kahit may mabigat na board na nakakabit sa kanyang katawan bilang bahagi ng punishment, hindi pa rin niya napigilan ang sarili na gawin ang isa sa mga paborito niyang gawain…ang paglilinis!
Sa isang eksenang ipinasilip sa programa, makikitang tila hindi nagpatalo si Jeo sa hirap ng kanyang sitwasyon.
Baka Bet Mo: Jeo Ong ibinuking ang amoy-anghit sa loob ng Bahay ni Kuya
Sa tulong ni fellow housemate Lans Nagal na walang naging violation at hindi rin napatawan ng parusa, nakahanap sila ng paraan para makapaglampaso pa rin siya ng sahig.
Dahil sa kanyang pagiging masipag at hindi mapakaling makakita ng maruming paligid, tinawag ng kanyang mga kasamahan at ni Kuya mismo si Jeo na “Linis King.”
<iframe src=" width="380" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>
Mukhang hindi lang basta palayaw ang titulong ito dahil ilang beses na ring ipinakita sa mga nakaraang episode na isa si Jeo sa mga housemate na hindi mapakali kapag may kailangang ayusin o linisin sa loob ng bahay, partikular na sa boys’ bedroom.
Hindi rin nakaligtas sa atensyon ng viewers ang pagiging maasikaso niya sa kalinisan nang bumisita sa Bahay ni Kuya ang Kapuso power couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Sa naturang pagbisita, na-highlight ang maayos at malinis na kondisyon ng boys’ bedroom, na ayon sa kapwa housemates ay pinangunahan ni Jeo.
Samantala, kilala si Jeo bilang Adventure Boy-Next-Door ng Palawan sa pinakabagong season ng Pinoy Big Brother.
The post Jeo Ong hindi napigil ng parusa, bibong-bibo pa rin sa pagiging ‘Linis King’! appeared first on Bandera.
