NAKARANAS din ng pambu-bully at pang-iinsulto ang award-winning veteran actress na si Ruby Ruiz noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.
Nagkuwento ang beteranang aktres tungkol sa mga naging experience niya sa mundo ng telebisyon at pelikula sa naganap na presscon ng “Status: Rejected” na ipalalabas na sa mga sinehan nationwide simula sa November 18.
Ang “Status Rejected” ay naging official entry sa 2026 Cinemalaya Film Festival mula sa direksyon ni Vahn Leinard C. Pascual at pinagbibidahan nga nina Ruby Ruiz, Alessandra de Rossi, Beverly Salviejo, at Yani Villarosa.
Nanalo si Ruby dito bilang Best Actress habang nakuha rin ng pelikula ang NETPAC Award at napiling makipaglaban sa First Feature Competition ng 30th Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia.
Going back to Ruby, naibahagi nga niya sa media ang ginawa sa kanya noon ng isang kilalang artista habang nasa shooting.
“Pinag-stay ako doon sa tent. Mag-isa lang kasi siya doon. And nakita ng production assistant kaunti lang ang gamit ko and mainit kasi.
“Nag-good afternoon ako. Pleasant naman siya,” simulang pagkukuwento ng aktres.
Naloka na lang daw siya nang lumabas ang nasabing celebrity at pasigaw na nag-dialogue sa production staff ng, “’Sino may sabi sa inyo papasukin sa tent yung babaeng ‘yun?’
“E, ako lang naman ang nandoon. Walang iba. So habang nagtatatalak siya, kinuha ko yung silya ko and isang bag ko. Lumabas ako slowly. Kasi pahiyang-pahiya yung PA and production, kasi sila nag-initiate noon,” aniya pa.
“Wala naman ibang tent, solo na silang mga big names. Sa gilid ako ng tent umupo. Sabi ko, ‘Ah, okay this is showbiz.’ Siyempre may kaunting self pity.
Baka Bet Mo: Alessandra tinalakan ng direktor: Hindi ka sisikat! Mayabang ka!
“Pero inisip ko, ‘Paano ako magtatagal sa industry? Sa ganitong sistema?’ I know it was a system I had to live with,” ang sey daw niya noon sa sarili.
Pero aniya, sa kabila ng naranasang pambu-bully, “Mas nanaig sa akin ‘yung ambition ko to prove na wala akong ibang balak gawin kundi ang pag-arte.
“And yung kaya kong iambag sa pag-arte. Maaaring hindi ako kasing-ganda ng ibang artista, pero meron siguro akong maiaambag,” ang positibo pa niyang pananaw.
Pero kung may mga mayayabang at maangas na artista, meron din naman daw mababait talaga at humble kahit na mga sikat na.
Isa na raw diyan ang movie icon at Queen of Philippine Movies na si Ms. Gloria Romero na puring-puri niya ang kabaitan at pagiging mapagkumbaba.
Minsan daw na nakasama niya ito sa isang project, “Nakasabay ko siya sa van papuntang location. Nagpadaan kami Jollibee, e, wala akong pera.
“Tulug-tulugan ako kasi sakto lang pera ko pamasahe para sa pag-uwi pagbaba ng service,” pag-alala ni Ruby.
Ilang beses daw siyang kinulit ni Tita Glo kung ano ang gusto niyang orderin pero panay daw ang tanggi niya. Hanggang sa sinabi nga ng namatapang aktres na libre raw niya yun para sa lahat.
“Hindi ko alam na may nanlilibre palang artista. Siguro sensitive siya. Grabe, almost teary-eyed ako nu’n and doon ako na-touch.
“Hindi kasi ako sanay masyado sa kindness. So when it’s given to you, even if it’s simple, you get moved,” aniya.
“Sabi niya, ‘Manlibre ako. Lahat tayo.’ Siguro nabasa niya zero ako (walang pera). And sabi ko, kaya siguro siya Gloria Romero. Ang gracious,” sey pa ni Ruby.
Anyway, mas marami na nga ang makakapanood sa pinag-usapang “Status: Rejected” sa Cinemalaya 2026 dahil ipapalabas na ito sa mga sinehan nationwide simula sa November 18.
Iikot ang kuwento nito kay Virginia o Biring (Ruby Ruiz), isang 69-anyos na biyuda na nangangarap na makapunta sa Amerika upang muling makasama ang anak na naninirahan doon.
Matapos na paulit-ulit na ma-reject ang kanyang US tourist visa application, sinubukan niyang pasukin ang mundo ng online dating sa pag-asang makatagpo ng Amerikanong makatutulong upang matupad ang kanyang pangarap.
Ngunit habang nahuhulog siya sa isang online romance, unti-unti rin niyang haharapin ang mga hamon tungkol sa pagmamahal, pamilya, pagtanggap sa sarili at paghahanap ng koneksiyon sa ibang tao.
The post Ruby Ruiz na-bully ng sikat na celeb, ayaw makasama sa tent appeared first on Bandera.
