Mikee Quintos pinuna sa pagiging ‘clingy’ kay Jeo Ong: Wag kami te!

Mikee Quintos pinuna sa pagiging ‘clingy’ kay Jeo Ong: Wag kami te!

MAY malisya nga ba talaga ang pagiging malapit at clingy ng Kapuso actress na si Mikee Quintos sa kapwa Kapamilya housemate na si Jeo Ong?

Marami na kasi ang nakakapansin na tila iba na ang mga nagiging kilos ng dalaga sa tuwing kasama nito ang nakababatang housemate.

Close naman na talaga sina Mikee at Jeo kahit na sandali pa lang silang nagkakasama dahil na rin sa parehas silang mahilig sa adventure at sa dagat.

Sa katunayan, marami rin ang mga sumusuporta dahil “sibling-coded” ang dalawa sa kakulitan.

Baka Bet Mo: Mikee Quintos may isinumbong kay Kuya, binalikan thesis issue

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ngunit kamakailan ay naging kwestiyunable kung “kapatid” ba talaga ang turing ni Mikee kay Jeo matapos mapanood sa livestream ang pagkagat nito sa muscle ng binata habang isinasagawa ang kanilang weekly task.

Marami ang hindi nagustuhan ang aksyon ng Kapuso actress dahilan para mapatanong sila kung may gusto ba ang aktres sa kasama.

Nag-trending nga si Mikee sa ilang social media sites at narito ang ilang mga komento:

“Parang hindi na ate yang galawan. Wag kami te! Feeling ko may gusto siya pero ayaw lang ipahalata,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Kahit di reversed role, this is already harassment. Nakakaawa si Jeo, jusko. Surely, di nya naiintindihan na mali ginawa sakanya since very approachable and accommodating syang tao.”

“Sa totoo lang nakakadiri na mga galawan ni Mikee kay Jeo. She needs to get evicted na talaga,” sabi ng isa.

Hirit naman ng isa, “Stop using your “ate card” as an excuse to be touchy with a young boy. It’s honestly uncomfortable to watch. I feel the same way when an older guy gets too touchy with a young girl. Let’s be real, regardless of gender or intentions, people should know their boundaries and respect personal space.”

Well, sa ngayon ay hindi natin malalaman ang panig nina Mikee at Jeo dahil nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya.

Bukas naman ang BANDERA para sa panig ng mga taong malalapit sa dalawa sa outside world.

The post Mikee Quintos pinuna sa pagiging ‘clingy’ kay Jeo Ong: Wag kami te! appeared first on Bandera.



Source link