HINDI napigilan nang malakas na ulan ang 7,000 runners sa ginanap na Puregold Hakot Relay 8km Run sa Ayala Vermosa Sports Hub Imus, Cavite nitong Sabado ng hapon, September 19.
Ka-join din ang Presidente ng Puregold Price Club na si Vincent Co na asawa ng aktres na si Bea Alonzo.
Anyway, may ilang mga bata kaming nakita kasama ng kanilang magulang para sa event at okay daw iyon dahil katwiran ng publicist ng Puregold na si Chris Cahilig ay welcome ang lahat at mas maganda nga raw kung pami-pamilya para mas marami silang mai-uwing groceries worth P3,500 each bag.
Kaya kung sampung miyembro ng pamilya ang sumali sa 8km run ay automatic may 10 bags ng take home, kaya #always panalo ang hashtag.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo, Vincent Co biktima agad ng ‘demolition job’, sino’ng may pakana?
<iframe src=" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>
Noong Nobyembre 22, 2025 ini-launch ang Puregold Hakot Relay na ginanap sa Burnham Green Park sa Quirino Grandstand o Luneta, Manila kung saan dumalo ang 8,000 para sa 3-kilometer relay na binubuo ng tatlong katao sa bawa’t team.
At pagkatapos ng Hakot relay ay may pa-concert naman sa gabi na may titulong Sunset Concert na binuo ng KAIA, G22, at Brent Manalo with Mika Salamanca na tinawag na BREKA.
At ngayong 2026 ay sa Imus, Cavite ito ginawa for Southern Luzon, nauna na ang Iloilo City for Visayas region at sa darating na Disyembre 5 para sa Metro Manila naman.
“Hoping next year mas madadagdagan ang venue na pagdadausan ng Hakot Relay, we are eyeing the Mindanao region and of course other parts of Luzon din,” sey ni Chris nang makausap namin sa venue.
Nasaksihan din namin ang ilang bags of groceries na bitbit ng runners pagkatapos na talagang hindi na sila makalakad sa rami ng bitbit at malaking tipid ito para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Oo naman, magandang simula itong ipunin para sa balitang magkakaroon ng drought o tagtuyot dahil sa El Nino.
Samantala, nakuwento ni Chris na sobrang overwhelming siya sa katatapos na CinePanalo Film Festival 2026 mediacon na ginanap sa Quantum Skyview, Gateway Mall 2 nu’ng Huwebes, Setyembre 17.
Brainchild kasi ni Chris ang CinePanalo Film Festival at nagustuhan ito ng pamunuan ng Puregold dahil gusto nilang tulungan ang movie industry bagay na ikinatuwa ng husto ng una kaya siya ang ginawang Festival Director at siyempre katuwang niya si Ms Ivy Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club.
Overwhelming in the sense na ang dami-daming sikat at premyadong direktor ang nag pitch for full length movies for 2026 PCPFF dahil malaking karagdagan sa filmmakers ang grant na P5 million.
At dahil Vilmanian si Chris ay hoping siya na someday mapasama ang Governor ng Batangas sa CinePanalo Film Festival.
“Vilmanian ako, I love Lorna Tolentino at Sharon Cuneta, sila ‘yung mga pinapanood ko noong bata ako kaya nag-iipon talaga ako para mapanood ko sila bukod pa sa mga nire-rentahan kong betamax tapos at pambili ng komiks,” masayang alaala ni Chris noong bata siya.
The post 7,000 runners nag-Hakot Relay sa Cavite kahit sinalanta na ng ulan appeared first on Bandera.
