Zubiri suportado pagbalik ng turboprop plane sa NAIA para sa turismo

Zubiri suportado pagbalik ng turboprop plane sa NAIA para sa turismo

Migz Zubiri

PINABORAN ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang mga panawagan na bawiin ang “turboprop aircraft ban” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sumigla ang lokal na turismo.

Ikinatwiran ni Zubiri dahil sa paglipat ng lipad sa Clark International Airport at iba pang regional airport sa bansa mas lumaki ang gastos sa mga biyahe sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas para sa mga ordinaryong Pilipino.

Idiniin niya na ang mga Pilipino ang pumapatay sa lokal na turismo sa pagbabawal ng turboprop aircrafts sa NAIA.

Unang umapila si Tourism Secretary Dita Angara-Mathay na bawiin ang paghihigpit na ipinatupad noong nakaraang Marso 29 sa layon na lumuwag ang NAIA.

Naapektuhan ng paghihigpit ang mga pasahero na patungo sa Siargao, Coron at El Nido.

Ayon kay Zubiri mas pinipili ng pamilyang Pilipino na magbakasyon na lamang sa Vietnam o Taiwan dahil mas mura ang pasahe.

Hinimok niya si Transportation Sec. Vince Dizon na masusing pag-aralan ang pagbawi sa pagbabawal sa turboprop aircrafts sa NAIA.

The post Zubiri suportado pagbalik ng turboprop plane sa NAIA para sa turismo appeared first on Bandera.

Source link