Zaijian Jaranilla sa pagtatanggol kay Kanye: Basic common sense lang po 

Zaijian Jaranilla sa pagtatanggol kay Kanye: Basic common sense lang po 

Zaijian Jaranilla at Kanye Avendaño

PURING-PURI ng madlang pipol ang Kapamilya actor na si Zaijian Jaranilla dahil sa pagprotekta niya sa menor de edad na youngstar na si Kanye Avendaño.

Magkasama ang dalawa sa isang pelikula na nagkaroon kamakailan ng presscon kung saan natanong si Kanye ng umano’y “inappropriate question”.

Para kay Zaijian, ginawa lang niya ang sa tingin niya’y tama nu’ng sandaling yun dahil nga underage pa si Kanye at hindi tamang tanungin siya ng mga “pang-adults only” na questions. 

Nakausap ng ilang members ng entertainment media si Zaijian sa press launch ng 14th QCinema Film Festival last October 22. 

Natanong sa binata kung ano ang reaksyon niya sa mga nagkomento ng paghanga sa kanya ng madlang pipol dahil sa pagtatanggol niya kay Kanye.

“Siguro po, honestly, hindi ko na po iyon napag-isipan. Instinct ko na lang po siguro iyon. Hindi naman po sa pagpapabastos, kundi bilang respeto na rin sa bata, dahil underage po siya.

“Nakita naman po natin sa initial reaction niya na parang hindi niya alam kung paano sasagot o kung ano ang sasabihin niya. 

“Nakita ko po ang naging reaksiyon niya at naramdaman kong uncomfortable siya. Nabasa ko rin po ang tungkol sa nangyari sa loob ng kuwarto (venue ng presscon),” aniya pa.

Baka Bet Mo: Zaijian Jaranilla sinita reporter sa tanong sa co-actor: Underage pa po siya

Sundot na tanong kung naranasan din ba niya ang nangyari kay Kanye, “Hindi naman po, kasi parang basic common sense din po kasi yan, e. 

“Sa panahon natin ngayon, mas kailangan nating maging sensitive sa mga bagay na gusto nating sabihin. 

“Nandoon po tayo sa premiere ng isang pelikula, kaya sana roon na lang tayo nag-focus, hindi sa kung anu-ano pang ibang bagay. Alam n’yo naman po ang ibig kong sabihin. Medyo sensitive lang po talaga yung topic,” katwiran pa niya.

Feeling ng aktor, nakababatang kapatid din niya si Kanye, “Siguro po ganu’n na nga yung nangyari sa akin dahil pinoprotektahan ko rin yung mga kapatid ko. 

“At kung mangyari man yun siguro sa ibang tao, sa mga kapatid nila, babae man yan, nakababatang kapatid mo na babae o lalaki, panigurado yun din naman yung magiging initial reaction mo. Poprotektahan mo talaga,” sabi pa ni Zaijian sa report ng ABS-CBN.

May nakababatang kapatid ang aktor, sina Zymic at Zildjian, “Kasi ang mga kapatid ko ay puro lalaki, puro kami lalaki. Sa family namin, ako yung parang strict ako in a way na parang, oh sige gawin mo lahat ng gusto mo pero maging responsable ka sa kung ano mang kahihinatnan ng gagawin mo. 

“Pero siyempre nandu’n pa rin lagi yung paggabay-gabay sa mga kapatid, pero  hindi po ako yung talkative in that way. Kasi bilang lalaki, hindi po ako masalita.

“Mas ipapakita ko sa gawa na pangangalagaan kita. And more of a provider po ako. Ganu’n ako sa family ko. Kaya mahalaga sa akin yung mga kapatid ko at mga tinuturing kong kapatid,” aniya pa.

Bida si Zaijian sa 14th QCinema International filmfest short film entry na “Sana’y Nandito Ka” kasama si Meryll Soriano.

Ang ika-14 edisyon ng QCinema ay magaganap mula Nobyembre 13 hanggang 22, 2026, na nagpapakilala sa Genre’teurs, isang bagong konsepto ng curatorial na nagsasaliksik sa interseksyon ng genre filmmaking at ang natatanging malikhaing pananaw ng mga indibidwal na filmmaker.

The post Zaijian Jaranilla sa pagtatanggol kay Kanye: Basic common sense lang po  appeared first on Bandera.

Source link