LABIS na hinangaan ng Kapamilya young actress na si Xyriel Manabat ang TV host-actress na si Anne Curtis matapos niya itong makasama sa trabaho.
Sa kanyang naging guesting sa latest episode ng “Ang walang Kwentang Podcast” kung saan kasama niya ang mga kapwa dating child stars na sina Miles Ocampo at Jana Agoncillo, binalikan niya ang isang pagkakataon noong nagkatrabaho sila ni Anne.
Nagkatrabaho sina Xyriel at Anne sa Philippine adaptation ng “It’s Okay to Not Be Okay” kung saan nakita niya ang pagiging humble ng aktres na talagang tumatak sa kanya.
Baka Bet Mo: Xyriel Manabat never pinagsisihan 4 na piercing sa dibdib
View this post on Instagram
Naalala ni Xyriel ang isang pagkakataon na nasa isang set location sila at kinailangan nilang magsalo sa isang dressing room.
Aniya, nakatulog siya habang nag-uusap sina Anne at ang kanyang team.
“So backpack lang kami doon so share kami ng room ni ate Anne. Insomniac nga ako tapos sa taping doon ako nakakahanap ng pahinga or tulog, siguro yun rin yung way ko mag escape sa hiya or sa anxiety. Tulog ako tapos siyempre ate Anne na yun–– Anne Curtis na yun–– pinapatahimik niya yung team niya,” pagbaahagi ni Xyriel.
Dagdag pa niya, nagulat siya nang marinig niyang sinabihan ng Kapamilya actress ang kanyang team na tumahimik dahil sa kanya.
Pabirong sinabi ni Xyriel na gising na siya noon ngunit sinubukan pa rin niyang muling matulog dahil nahihiya siya.
Sa pagkakataong iyon, napagtanto niya na observant din si Anne sa mga taong nasa paligid niya at sinisiguro niyang maayos ang lahat.
“Pag uwi ko, bitbit ko yun… Tumatak siya sa utak ko na grabe no, si ate Anne may pakialam pa rin siya sa paligid niya kahit siya na yun. Eh yung ibang tao nga, walang pakialam kung may nagpapahinga–– magpapatugtog, mag sisigaw, or kahit nandiyan sa gilid mo may nag papahinga, ang ligalig. Ang insensitive at hindi marunong makiramdam,” pagpapatuloy ni Xyriel.
Sobrang hinangaan niya ang pagiging grounded ni Anne sa kabila ng kasikatan at katayuang tinatamasa nito.
Sey ni Xyriel, “Grabe yung humility. Yun yung mauuwi ko from ate Anne na hindi niya kailangan i-impose sa’yo. Hindi niya kailangan sabihin out loud or ituro sa’yo or ichat sa’yo, makikita mo lang based from your observation and first hand mo siya maeexperience kung gaano ka-humble si ate Anne.
“Kahit yung may pinaka may karapatang mag diva, grabe yung humility. Wala siyang ere. Yung iba kaya ng paliparin yung hot air balloon sa ere, siya wala talaga.”
The post Xyriel Manabat hinangaan si Anne Curtis: Grabe ‘yung humility appeared first on Bandera.
