Xander Ford, kumusta ang buhay ngayong padre de pamilya na siya?

Ang dating tinitilian na si Xander Ford, isa na ngayong padre de pamilya sa kaniyang kabiyak at anak na lalaki. Kumusta na ang kaniyang buhay? Alamin. Sa kaniyang guesting sa…

Xander Ford, kumusta ang buhay ngayong padre de pamilya na siya?

Ang dating tinitilian na si Xander Ford, isa na ngayong padre de pamilya sa kaniyang kabiyak at anak na lalaki. Kumusta na ang kaniyang buhay? Alamin.

Sa kaniyang guesting sa “Kay Susan Tayo! Vlogs” ibinahagi ni Xander ang buhay niya ngayon at kung papaano siya nagsimulang makilala ng mga tao, lalo na ng netizens.

Aniya, dati rin siyang nag-talent sa TV, kabilang ang pagsayaw at pagiging komedyante.

Ngunit nawala ito noong magkaroon ng pandemic.

“Ang nangyari pa sa’kin, ma’am, ‘yung wife ko, nakilala ko siya. Noong nabuntis po siya, doon ako nag-start na nagtatrabaho na ako sa company po mismo… Normal na tao lang. Isa po akong sales marketing staff. Sa alcohol company kami,” kuwento niya.

Pag-amin ni Xander, nahirapan siyang kumita ng pera. Kahit na masakit ang puna ng ibang tao, sinunod niya ang payo ng mga ito.

“That time po talaga, as in, ang hirap kumita ng pera. Laging sinasabi sa akin ng mga basher ko na, ‘Puro ka hingi sa social media,’ puro ‘Huwag ka na mag-vlog, ‘di ka na sisikat. Magtrabaho ka na lang nang normal kasi tatay ka na,’” sabi niya.

Ngayon, bukod sa sales marketing, nag-stream na rin si Xander.

“Tina-try ko, sabi ko, ah maganda rin pala kasi, nasa bahay ka lang. Gagawa ka lang ng video, gagawa ka lang. Pero ‘di ba, siyempre, may perang pumapasok. Hanggang sa inipon nang inipon ko.”

Padre de pamilya

Edad 23 o 24 si Xander nang makilala niya ang partner niya ngayong si Gena Mago.

“Ako dati, nag-extra sa 7, siya rin. Nakilala ko siya kay ma’am Jessica Soho. Nag-lead role siya nu’ng ‘Gabi ng Lagim,’” sabi niya.

“Tapos ‘yun na, hanggang sa naging parang ligaw-ligaw, hanggang sa nag-antay ako sa kaniya, nagliligawan kami, pinayagan kami ng parents niya na maging maging mag-jowa na kami. Tapos unexpected ‘yun, nagkaroon kami ng baby.”

Nang maging isang ama, doon napagtanto ni Xander ang laging sinasabi rin sa kaniya ng kaniyang mga magulang.

“Dito talaga, as in dito na pumasok sa akin ‘yung laging sinasabi ng mga magulang natin na ‘Pag ikaw tumanda at magka-pamilya ka, malalaman mo kung gaano katigas ‘yung ulo mo.’”

Si Gena kay matulungin na tao si Xander na hindi alam ng iba.

“Ang alam lang po sa kaniya yung mga bad side niya. Parang natatakot na rin po kasi kami na ipakita yung ganung side niya. Kasi po iba-bash din lang siya,” ani Gena.

“Ang sinasabi po, ‘Ay wala yan, pakitang-tao lang ‘yan, parang ganun.’ Matulungin siya sa family, kasit sa family ko basta mayroon po siya, bigay lang ng bigay,” dagdag pa niya.

Tunghayan ang pagsagot ni Xander sa mga maiinit na isyu na kaniyang kinasangkutan at ang pinakamabigat na pagsubok na kanilang pinagdaanan ni Gena. Panoorin ang panayam nila sa Kay Susan Tayo! Vlogs. – FRJ GMA News