HINAMON ng misis ni Niño Muhlach na si Diane Abby Tupaz ang rider na nadamay sa aksidenteng kinasangkutan ng aktor sa Marcos Highway sa Antipolo City, Rizal noong August, 2026.
Matapos ipagtanggol si Niño sa reklamo ni Nicolas Villanueva na hindi pa rin daw tinutupad ng aktor ang mga ipinangakong tulong matapos ang road accident, muling naglabas ng pahayag si Diane.
Ipinagdiinan ni Diane na kasinungalingan ang sinasabi ni Villanueva na parang tinatalikuran at tinatakbuhan ng aktor ang kanyang responsibilidad sa naganap na aksidente.”Totoo ba na walang tinupad si Niño Muhlach sa mga ipinangako nyang tulong???
“Ikaw mismo sa sarili mo sigurado ka ba na walang naitulong si Niño?
“Kung hindi mo kayang aminin sa sarili mo yung totoo eh itanong na lang kaya natin kay Lord? Sya naman ang pinaka nakakaalam ng totoo.
“Paalala ko nga pala, may schedule ka ulit ng check up sa doctor mo bukas. Sasamahan ulit kayo sa check up mo ng family member namin.
“Yan po ba ang sinasabi nyo na pinabayaan kayo ni Niño and hindi kayo inaasikaso???” ang post ni Diane sa kanyang Facebook page.
Kalakip nito ang artcard kung saan mababasa ang FB post ni Villanueva at ang bwelta ni Diane sa kanya.
Baka Bet Mo: Sandro Muhlach sa healing journey: I’m better than I was before
“Sir NIÑO MUHLACH pangatlong linggo na po. Parang binabalewala na po ninyo ‘yung nangyari sa ‘kin,” simulang post ni Villanueva.
“Ang galing galing niyong mangako pag may camera. Wala pala kayung isang salita sa mga sinasabi niyo.
“Di pa ako nakakapag trabaho dahil sa nangyari sakin pati motor ko di niyo pa rin pinapalitan,” aniya.
Narito naman ang sabi sa kanya ng wifey ng aktor, “Kung ganoon, eh di dapat ginusto niya din na may camera tuwing nagbibigay siya ng cash and noong pinapagawa niya yung mga nasirang establishment.
“Kaso walang kuha ng camera, ‘di ba? Wala ngang nakaalam na naipagawa na niya yung tindahan and barber shop na nasira eh. And wala din nakaalam kung magkano na nailabas niyang cash na tulong.”
Ito naman ang buong laman ng unang post ni Diane sa FB, “Yung post na kumakalat eh parang pinapalabas na wala man lang ginawang tulong si Niño Muhlach sa taong naperwisyo nya sa aksidente. HINDI YAN TOTOO!
“I know hindi na dapat ako mag react but I can’t. I really can’t!! Hindi ko kaya na hindi ko maidedefend yung Husband ko (Niño Muhlach) or mga anak ko Lalo na sa mga taong ‘Mema’ memasabi lang sa comment section o mga feeling may alam sa totoong nangyayari.
“Pati anak ko dinadamay pa sa mga walang kwentang comment nila!” simulang pagbabahagi ng saloobin ni Diane.
Patuloy niya, “My husband is a good man! I’m saying this not because I’m his wife, but because he really is that kind of person na kailanman hinding hindi ginustong makasakit o maka agrabyado o maka perwisyo ng ibang tao.
“Alam ni Niño kung ano yung responsibilidad nya sa mga taong naperwisyo nya and hinding hindi nya yun tatalikuran.
“Nakita naman din ng lahat na nu’ng una palang inamin nya yung pagkakamali nya, hindi nya tinalikuran, tinakbuhan o pinabayaan yung mga taong naperwisyo dahil sa aksidenteng nagawa nya.
“Sa taong nahospital na si Nicolas Villanueva, araw araw sinisiguro ni Niño na natututukan ng mga doctor si Nicolas and naibibigay sa kanya lahat ng gamot na kailangan nya.
“Sinigurado din ni Niño na nabibigay yung araw araw na pangangailangan ni Nicolas Villanueva and ng family nya habang nasa hospital sila. Cash pang food, mini grocery, travel expenses, and pati pang baon na money sa school ng daughter ni Nicolas.
“And yung sa ‘motor’ huwag ho kayong mag alala kasi siguradong mabibigyan yan ng kapalit, hindi naman tatakas si Niño ng dahil lang sa motor.
“Hindi sila pinababayaan ni Niño… Hindi tumigil sa pag bigay ng tulong si Niño lalo na kay Nicolas Villanueva and hanggang ngayon tuloy tuloy pa rin ang pag suporta ni Niño sa gastusin ni Nicolas Villanueva dahil may mga check up pa sya.
“Kung magpopost tayo ng hindi totoo at hindi maganda tungkol sa isang tao pag isipan muna natin maigi kung deserve nya ba na masira sya sa ibang tao?
“Kasi kung hindi, eh alam nating lahat na napakabilis ng balik ng KARMA. Lalo na sa mga tao na walang ginawa kundi manglamang ng kapwa,” ang kabuuan ng post ng misis ni Niño.
The post Wifey ni Niño naglabas ng resibo sa nagreklamong biktima ng aksidente appeared first on Bandera.
