NAGPALIT ng pwesto ang dalawang kalihim ng gobyerno na sina Vince Dizon at Giovanni Lopez.
Ayon kay acting Presidential Communications Office Secretary Lino Cayetano, nagbalik sa Department of Transportation (DOTr) si Dizon at si Lopez ang bagong namumuno sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi pa ni Cayetano na nais ni Pangulong Bongbong Marcos na maayos ang biyahe ng mga mamamayan at gusto nito na magtagal ang mga pagbabago sa DPWH.
Baka Bet Mo: Vince Dizon nagpaliwanag, problema sa baha walang ‘overnight solution’
Idinagdag pa nito na nais din ni Pangulong Marcos na mapaigsi ang pila sa Land Transportation Office (LTO) at mawala ang fixers kaya’t ibinalik sa Transportation Department si Dizon.
Inatasan din si Dizon na tiyakin matatapos sa itinakdang panahon ang mga mahahalagang mass transport projects.
The post Vince Dizon balik-DOTr, Giovanni Lopez bagong DPWH appeared first on Bandera.
