Villar: Dagdag trabaho, investments dapat ibunga ng ASEAN Summit

Villar: Dagdag trabaho, investments dapat ibunga ng ASEAN Summit

Seen. Mark Villar

UMAASA si Senator Mark Villar na magbubunga ng mga karagdagang trabaho para sa mga Pinoy at pamumuhunan sa Pilipinas ang pagdaraos ng 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa bansa.

Bukod daw sa Pilipinas, dapat ay may magandang ibunga din ang ASEAN Summit sa rehiyon, tulad ng mas matatag na relasyon sa pagitan ng mga bansa na kasama sa unyon.

Nais ni Villar na direktang maramdaman ng mamamayan ang mga solusyon sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mataas na singil sa kuryente, kakulangan sa trabaho, at seguridad sa pagkain.

Baka Bet Mo: Mark Villar tumalon sa Gatchalian-bloc, majority umangat sa 14

“Umaasa tayo na magbubunga ang pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN ng mas maraming oportunidad para sa ating mga kababayan. Mahalagang magamit natin ang pagkakataong ito upang makahikayat ng mga bagong pamumuhunan, makalikha ng trabaho at mapalakas ang ating mga lokal na industriya,” sey sa namumuno sa Senate Banks and Financial Institutions Committee.

Binanggit niya ang pagsirit ng 7.8% inflation noong Oktubre mula sa 7.2% noong Setyembre at ang 2.86 million Pilipino na walang trabaho, na dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno.

Magandang oportunidad, dagdag pa ng senador, ang ASEAN Summit para sa kalakalan, pamumuhunan, at pagpapalawak ng mga negosyo.

The post Villar: Dagdag trabaho, investments dapat ibunga ng ASEAN Summit appeared first on Bandera.

Source link