HINDI rin nakaligtas ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa pambabarag ng bashers dahil sa kanyang itsura.
Hugot na hugot ang punchline ng tinaguriang Queen of All Networks sa mga kanegahang comments laban sa kanya sa social media.
Naging hot topic recently online ang ilang litrato at video ni Vice na kuha sa Preview Ball 2026, kung saan binengga ng ilang netizens ang makeup at “something” sa mukha niya.
Humirit si Vice sa isang episode ng “It’s Showtime” tungkol sa pang-ookray at panlalait sa kanya habang nakikipagbiruan sa mga kapwa host na sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid.
“Ay hindi na ako nagpapaganda. Kahit anong pagpapaganda ko, ang pangit ng skin ko doon sa TikTok,” sey ng komedyante.
Saad naman ni Vhong sa kanya, “Sa ilaw lang ‘yun. Na para bang kasalanan ng makeup artist, na kasalanan ko ngayon.
“Kahit anong paganda mo, bababuyin ka rin naman sa TikTok, papaganda ka pa!” chika pa niya.
Baka Bet Mo: Vice Ganda awang-awa kay Alden Richards: Grabe yung iyak niya!
Hirit pa ni Vice, “Sa mga nasa TikTok, congratulations! Ang gaganda n’yo.”
Kasunod nito, nagseryoso na si Vice sa pagbibigay ng mensahe para sa lahat ng mga nakaka-experience ng panghuhusga at panlalait sa social media, partikular na sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
“Pero kahit anong sabihin n’yo at kahit anong mangyari, ito lalo na sa ating mga nasa LGBTQIA+ community, kung feeling n’yo ang daming sinasabi sa inyo, o feeling n’yo nakakawala na nang gana, isipin niyo na lang lagi…” sey ni Vice kasunod ng pagkanta ng viral at trending na kanta ni Lyca Gairanod na “Puede Nang Mangarap.”
The post Vice Ganda: Kahit anong paganda mo, bababuyin ka lang sa TikTok appeared first on Bandera.
