BARDAGULAN kung bardagulan ang aktingan sa pagitan nina Kathryn Bernardo, James Reid at Maja Salvador sa Kapamilya series na “Someone, Someday.”
Asahan ang mas matinding acting showdown sa mga susunod na shocking revelations na dapat abangan sa huling tatlong linggo ng “Someone, Someday.”
Haharapin na ni Billy (Kathryn) ang pinakamatindi niyang laban para protektahan ang kanyang pamilya matapos ang sunod-sunod na problema at pagtataksil na idinulot sa kanya.
Masusubukan kasi ang relasyon ng mag-best friend na sina Billy at Jordan (James) dahil pagbibintangan si Billy na siyang responsable sa aksidenteng hit-and-run na ikinamatay ng nanay ni Jordan noong mga bata pa sila.
Kasabay nito, magtatalo ang puso’t isipan ni Billy tungkol sa tunay niyang nararamdaman para kay Jordan, na kamakailan ay umamin na mahal siya nito.
Siksik din sa mga makapigil-hiningang engkwentro ang mga susunod na episode kung saan mag-aagaw buhay ang kapatid ni Billy na si Oliver (Migz Casimiro) dahil sa pag-hostage sa kanya ni Mariela (Rita Avila), ang nanay ng half-sister niyang si Bea (Maja).
Handa naman si Bea na kunin ang tiwala ni Billy kahit duda pa rin ito sa totoong intensyon ni Bea matapos ang walang katapusang panloloko nito.
Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo inusisa sa damit, ibinandera initials ni Mark Alcala?
Mapapatawad na ba ni Billy si Bea? May chance pa kayang mauwi sa pag-ibig ang pagiging magkaibigan nina Billy at Jordan?
Huwag palampasin ang matitindi pang pasabog sa huling tatlong linggo ng “Someone, Someday” gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, ng 8:45 p.m. sa lahat ng Kapamilya platforms.
The post ‘Someone, Someday’ nina Kathryn, James, Maja huling 3 linggo na! appeared first on Bandera.
