Sandara Park bet ang mature role sa showbiz career comeback sa Pinas!

Sandara Park bet ang mature role sa showbiz career comeback sa Pinas!

PHOTO: Instagram/@daraxxi

MUKHANG may bagong pasabog na plano si Sandara Park para sa kanyang showbiz career sa Pilipinas!

Matapos ang ilang taong pamamayagpag sa South Korea bilang K-pop star, nais namang balikan ni Sandara ang paggawa ng pelikulang Pinoy, pero this time, hindi na bilang cute at nakakatawang Korean exchange student kundi bilang isang aktres na kayang bumida sa mas mature at seryosong mga role.

Sa panayam niya sa YouTube channel ng broadcast journalist na si Karen Davila, ibinahagi ng 42-anyos na Korean star na mas kumpiyansa na siya ngayon sa kanyang kakayahan sa wikang Filipino, kaya mas marami na siyang gustong subukang karakter.

“Actually, gusto ko po, and I want to do a Pinoy movie again,” sey niya.

Baka Bet Mo: Sandara Park umamin: Sana hindi na lang ako umalis sa Pilipinas

Kwento pa niya, “Dati, when I was 20 years old, lahat ng roles ko, exchange student. Hindi pa marunong mag-Tagalog.”

Tumatak pa rin sa maraming Pinoy ang mga karakter ni Sandara noong sumikat siya sa Star Circle Quest noong mid-2000s. 

Kabilang sa naging trademark niya noon ang kanyang cute na pagbigkas ng mga salitang Tagalog at ang mga karakter na hirap makipagsabayan sa wikang Filipino.

Pero ngayon, ibang Sandara na ang gustong ipakilala sa mga Pinoy moviegoers!

“Ngayon mas magaling pa ako mag-Tagalog. So I think I can do some much more mature roles, and ‘yung mga love story, mga ganun,” dagdag niya.

Mula sa pagiging comic relief, mukhang handa na si Dara na pasukin ang mas mabibigat na drama at mga kwentong pag-ibig. 

Naku, baka naman may leading man na ring nakahanda para sa kanya!

Matatandaang iniwan ni Sandara ang kanyang kasikatan sa Pilipinas halos 20 taon na ang nakakaraan para subukan ang kanyang kapalaran sa South Korea. 

Mula sa pagiging trainee, tuluyan siyang nag-debut bilang miyembro ng sikat na K-pop group na 2NE1.

Kahit marami ang nanghikayat sa kanya noon na manatili sa Pilipinas, pinili niyang sumugal sa isang bagong career sa Korea.

Samantala, hindi lang pala sa pag-arte gustong ipakita ni Sandara ang kanyang bagong side dahil maging sa musika ay todo-reinvention din siya.

Naglabas siya ng album noong Hunyo na pinamagatang “Reprism” at nagsilbing malaking pagbabago sa kanyang musical at visual identity.

The post Sandara Park bet ang mature role sa showbiz career comeback sa Pinas! appeared first on Bandera.

Source link