Sachzna Laparan biktima ng parcel scam: Bayad lang ako nang bayad!

Sachzna Laparan biktima ng parcel scam: Bayad lang ako nang bayad!

Sachzna Laparan

NABIKTIMA ng modus na “parcel scam” ang aktres at social media personality na si Sachzna Laparan.

Ibinahagi ni Sachzna ang panloloko na ginawa sa kanya ng umano’y delivery rider gamit ang iisang mobile number.

Ipinost pa ng content creator sa kanyang social media account ang screenshots ng palitan nila ng mensahe ng delivery rider kung saan nakalagay ang mga in-order niya na hindi naman nakarating sa bahay niya.

Bayad lang daw siya nang bayad sa naturang rider at base sa ibinahagi niyang screenshots, umabot sa P10,000 ang nakuha sa kanya.

“For one week, hinihingan ako ng pambayad sa parcels, pero wala naman pala talagang dumadating sa bahay. 

“Bayad lang ako nang bayad dahil sa sobrang busy ko, at hindi na rin ako madalas umuwi since sa condo na ako nagsi-stay,” ang pahayag ni Sachzna.

Ayon pa sa dalaga, ipinadadala umano sa kanya ng nagpakilalang delivery rider ang halagang kailangan niyang bayaran, at nagpapadagdag pa raw ito ng P50 na kanya namang binabayaran.

Dagdag pa niya, mas gusto niyang cash-on-delivery ang paraan ng pagbabayad dahil naranasan na niyang hindi mai-deliver ang kanyang mga parcel kahit nabayaran na niya ito.

Baka Bet Mo: MODUS ALERT: Sindikato, scammer abangers na sa holiday rush!

Iginiit pa ng aktres na nagbabayad lamang siya sa delivery rider dahil alam niyang mayroon siyang mga nakabinbing order. Gayunman, hindi niya inaasahang mabibiktima pala siya ng isang scam.

“Ako na talaga may problem, wala kasi ako bad intention sa mga tao. Wala ako iniisip na masama sa kanila eh, gusto ko lang naman mag bayad ng maayos sa kanila,” sey pa niya.

Sa huli, humingi siya ng tulong para mahuli ang scammer na rider, “Anyone who knows kung paano at saan puwedeng i-report to? Baka madami na naloko to.”

The post Sachzna Laparan biktima ng parcel scam: Bayad lang ako nang bayad! appeared first on Bandera.

Source link