HINDI napigilan ni Rovelyn Baterbonia ang maging emosyonal matapos makita ang isa sa mga miyembro ng UST Growling Tigers basketball team na si Koji Buenaflor.
Ito ay dahil kamukha ito ng kanyang yumaong anak na si Ateneo Blue Eagles basketball player Rene Baterbonia.
Sa Facebook post ni Rovelyn nitong Miyerkules, September 16, ibinadera niya ang dalawang larawan nila ni Koji.
“Hello nak Rene Baterbonia 2.0 kahit Wala kana ito parin Ako Tudo support para sa justice mo ,” saad ng ina ni Rene.
Baka Bet Mo: Rovelyn Baterbonia pinagkakaperahan daw si Rene, rumesbak!
View this post on Instagram
Pagpapatuloy ni Rovelyn, “thank u sa UST penayagan kmi makipagpicture sa Isang player na kamokha mo para Sayo Ang game na ito.”
Nanood siya kasama ang mister na si Rene Baterbonia, Sr. sa men’s basketball tournament games sa UAAP Season 89 kung saan kapansin-pansin ang kanilang statement shirt na may nakasulat na “One Big Fight Justice.”
Makikita sa statement shirt na supt nina Rovelyn at ng mister ang larawan ni Rene at isang kulay dilaw na ribbon.
Nagpasalamat din naman siya sa coach ng UST basketball team dahil sa pagpayag na makapagpa-picture siya kasama si Koji.
Matatandaang namatay sa pagkalunod si Rene noong June 8 habang nasa training ng Ateneo Blue Eagles basketball team sa isang beach sa Dipaculao, Aurora.
Kasama niya sa mga nasawi ang teammate at Nigerian national na si Divine Adili.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paglaban ng pamilya ni Rovelyn para sa hustisya sa pagkasawi ng anak.
The post Rovelyn Baterbonia nagpa-picture sa UST basketball player, kamukha raw ni Rene appeared first on Bandera.
