BINALIKAN ng “Pinoy Dream Academy” alum na si Ronnie Liang ang araw nang kinailangan niyang mag-perform nang live ilang oras matapos ilibing ang kanyang ina.
Isa raw ito sa pinakamahirap na sandali sa kanyang life and career dahil kahit nga nagluluksa sa pagkamatay ng inang si Adelina Liang ay dapat niyang tuparin ang natunguang commitment.
Sa Facebook, ibinahagi ni Ronnie ang video ng kanyang performance sa Wish Bus noong 2017 kung saan kinanta niya ang kanyang hit song na “Ngiti” matapos ihatid sa huling hantungan ang kanyang nanay.
“Ito yung isa sa pinakamahirap at pinaka-challenging na guesting ko. Kakalibing lang ng Nanay ko at that time—like, hours ago lang—but I still needed to attend and perform,” ang pag-alala ni Ronnie.
Kitang-kita sa video ang pagiging emosyonal ni Ronnie sa kanyang pagkanta at halatang pinipigil din ang pagtulo ng luha.
“Yung kakalibing ng NANAY ko, like hours ago lang but I need to perform. Ito yung isa sa pinaka naging mahirap and challenging na guesting ko.
“Kunwari na-uubo para hindi halata nma teary-eyed ako,” ang pahayag pa ng OPM artist at Philippine Army reservist.
Ibinahagi rin ng singer-actor ang ilang litrato sa libing ng kanyang ina kung saan kailangan pa rin niyang kumaway at ngumiti sa mga fans sa labas ng Wish Bus.
Baka Bet Mo: Ronnie Liang: Pangarap ko talagang maging presidente ng Pilipinas
“Kailangan ngumiti pa rin at kumaway sa audience sa labas pero wala sila anumang ideya sa nangyayari (sa akin),” saad pa niya.
Patuloy pa niya, “It was a live guesting, and it had already been announced so that it couldn’t be canceled daw. The show still had to go on. #RonnieLiang #Ngiti #undas #ProfessionalismMatters.”
Sa isang panayam, binalikan ng binata ang pagpanaw ng ina na na-diagnose ng pneumonia. Nasa Manila raw siya noong isugod sa isang ospital sa Angeles, Pampanga ang nanay niya.
“Everything was so sudden. She had just called me two days before and asked if I already had lunch and if I needed the laundry picked up. She told me that she had just seen my music video on TV,” sabi ni Ronnie na aminadong Mama’s Boy.
“My mom was the best. She endured all of life’s hardships without a single complaint,” he said. “Even though she had gout, she took care of us. She was selfless. She was very particular about cleaning our house,” sabi ng binata.
Ilan sa kanyang mga cover songs ay iniaalay niya sa kanyang namayapang ina tulad ng “Iingatan Ka” at “Salamat sa Iyo, Ina.”
The post Ronnie Liang kinailangang mag-perform kahit kalilibing lang ng ina appeared first on Bandera.
