Rodrigo Duterte mas naging fresh, gumaan ang awra habang nasa The Hague

Rodrigo Duterte mas naging fresh, gumaan ang awra habang nasa The Hague

HANGGANG ngayon ay trending pa rin ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang naging personal na pagdalo ito sa pagdinig ng International Criminal Court (ICC).

Mahigit isang taon rin ang nagdaan buhat nang huling masilayan ng mga Pilipino ang dating pangulo matapos itong i-surrender at dalhin sa headquarters ng ICC sa The Hague, Netherlands.

Kaya naman marami ang talagang nagulat matapos ang muling pagpapakita ni Duterte.

Pero taliwas sa mga naiisip ng ilan na sobrang payat na niya at maaaring bumagsak ang katawan, tila kabaligtaran pa ang nangyari.

Baka Bet Mo: Rodrigo Duterte personal na dumalo sa ICC hearing

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Chika ng marami, mas naging fresh ang atake ni Duterte at mas umaliwas ang itsura nito kumpara sa itsura niya noong nasa Pilipinas.

Bukod pa rito, hindi naman bumaba ang timbang nito at mukhang mas naaalagan sa ICC facility.

Narito ang ilang komento ng netizens:

“Mukhang ok naman pala siya dun. So anong nginangawa ni Kitty [Duterte] nung nakaraan?? Hahahahahahahaha,” saad ng isang netizen.

Comment ng isa, “Mukhang ang ganda ng buhay sa loob ng ICC. Hindi mukhang puyat and may wig pa. And mukhang naaalagaan yung balat hahaha.”

“The Hague looks good on him talaga! He looks healthy at mukhang pumuti rin sya. Nakapag kulay pa ng buhok yan.

Bagay na bagay talaga sya dyan. Never go home, t@y!” hirit naman ng isa.m

Maratandaang noong March 2025 nang tuluyang maaresto si dating Pangulong Duterte sa bisa ng noo’y arrest warrant na inilabas ng ICC, kaugnay ng kasong crimes against humanity dahil sa kanyang naging madugong kampanya kontra droga.

The post Rodrigo Duterte mas naging fresh, gumaan ang awra habang nasa The Hague appeared first on Bandera.



Source link