KINUMPIRMA ng actor-senator na si Robin Padilla na opisyal nang nakarating sa kanya ang isang subpoena.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay inamin ng senador na natanggap niya ang subpoena kaugnay sa reklamong obstruction of justice na isinampa laban sa kanya.
“A subpoena has arrived,” maikling pahayag ni Robin.
Nangangahulugan na nais ng National Prosecution Service (NPS) na ipatawag ang senador upang humarap sa isang lupon ng mga piskal at sagutin ang reklamong inihain laban sa kanya.
Baka Bet Mo: Rommel Padilla sa tumatawag kay Robin ng bobo: Kayo na matatalino!
View this post on Instagram
Matatandaang isinampa ang reklamo ng Philippine National Police (PNP), na kinakatawan ni PCPT. Ericson C. Roc ng Anti-Organized Crime Unit sa ilalim ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-AOCU) laban kay Robin noong May kasunod ng umano’y pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa madaling-araw noong May 14, ilang oras matapos ang shooting incident sa Senado.
Nauna nang inamin ng senador na sumakay si dela Rosa sa kanyang sasakyan noong siya ay pauwi na mula sa Senado.
Ani Robin, walang mali sa pagbibigay ng sakay kay dela Rosa dahil hindi takas sa batas ang senador at wala itong locally issued arrest warrant noong mga panahong iyon.
Sinabi ni DOJ spokesperson at abogado na si Polo Martinez na sumailalim na sa evaluation ang reklamo.
Kung matutukoy sa ebalwasyon na may sapat na batayan, pormal na itatala ng DOJ ang kaso upang magsagawa ng masusing preliminary investigation. Sa yugtong ito, kinakailangang tumugon sina Robin at ang kanyang mga kapwa respondent sa reklamo at magsumite ng sarili nilang mga ebidensiya.
Kinakailangang iharap ni Padilla at ng kanyang mga kapwa respondent ang kanilang mga counter-affidavit at kalakip na ebidensiya sa DOJ sa dalawang itinakdang petsa ng pagdinig – Setyembre 25 at Oktubre 9.
“The Department confirms that subpoenas were served on Sen. Robinhood Padilla and Lt. Col. Jean Alla Yasin Robles at around 2:30 p.m. today at the Senate, in connection with the pending complaint against them for alleged violation of PD 1829 (Obstruction of Justice),” ani Martinez.
Sa ilalim ng P.D. 1829, saklaw ng obstruction of justice ang mga gawaing sadyang humahadlang, pumipigil, gumugulo, o nagpapaantala sa pagdakip sa mga suspek at sa pagsasagawa ng mga kasong kriminal.
The post Robin Padilla nakatanggap ng subpoena sa reklamong obstruction of justice appeared first on Bandera.
