Robin kay Angelina Jolie: Salamat mahal ko, sa pagbisita sa akin!

Robin kay Angelina Jolie: Salamat mahal ko, sa pagbisita sa akin!

MATAGAL nang nagmamahalan si Sen. Robin Padilla at ang Hollywood actress na si Angelina Jolie.

Ibinandera ng action star at public servant ang kanyang feelings sa dating misis ng international actor na si Brad Pitt sa pamamagitan ng social media.

Sa kanyang Facebook account, ipinagmalaki ng senador sa madlang pipol na love na love niya ang award-winning American actress-philanthropist.

Bumisita kasi si Angelina Jolie sa Pilipinas nitong nagdaang November 10, para magsilbing speaker sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit na ginanap sa Taguig last November 11.

Baka Bet Mo: Robin: Sarap na ng buhay ko…pero nagtitiis ako para sa inyo

Umalis ng bansa si Angelina noong gabi ng Huwebes, November 12. 

Mababasa sa FB post ni Sen. Robin ang labis na paghanga niya sa Hollywood star. 

“Hindi pa lang niya nababalitaan, pero matagal na kaming nagmamahalan ni Miss Angelina Jolie sa puso ko. 

“Salamat, mahal ko, sa pagbisita sa akin—hindi, sa ating banal na Inang Bayan!” ang hirit ng mister ni Mariel Rodriguez. 

Kasunod nito, humugot naman ang action star sa kalagayan ngayon ng Pilipinas kung saan mariin niyang ipinagmalaki na  mayaman ang ating bansa.

Ngunit ang problema, hindi raw patas ang hatian ng yaman sa buong mundo na siyang totoong kalaban ng sambayanang Pilipino. 

“Makinig kayo, mga tol, mayaman ang ating bansa. Ang nag-iisang tunay na kalaban ay ang hindi patas na hatian ng yaman sa buong mundo,” ang pahayag pa ni Padilla.

Narito naman ang reaksyon ng mga netizens sa mga hirit ng veteran actor:

“Mareng Mariel, kailangan muna mag wala hahahaha.”

“Yes idol Robin Padilla ikaw din bf kita noong highschool di mo lang din Alam. Iningatan kita sa puso ko hanggang nga un.”

“Mahal din po kita idol. Ako din po si Angelina.”

“Mukang sa sahig ka matutulog mamayang gabi sen idol.”

“Mukhang may outside the kulambo mamayang Gabi. hehehehe! Senator idol Wala Kang almusal bukas.”

“Mam Mariel Rodriguez Padilla bukas wag muna po ipagluto ng almusal c Senator Robin Padilla . May mahal na pala.”

The post Robin kay Angelina Jolie: Salamat mahal ko, sa pagbisita sa akin! appeared first on Bandera.

Source link