USAP-USAPAN ngayon sa social media ang rebelasyon ng dating “Pinoy Big Brother: Lucky Season 7” Teen housemate na si Christian Morones tungkol sa nomination process ng Bahay ni Kuya.
Viral na ngayon ang video mula sa kanyang TikTok live kung saan ikinuwento niya ang naging karanasan noon habang nomination nila sa PBB.
“Hindi nila tinatanggap minsan. Sasabihin sa iyo. It happened to me. Hindi nila tatanggapin ‘yong point mo,” lahad ni Christina.
Pagpapatuloy niya, “Halimbawa, ‘Binibigyan ko po ng one point si kenemerut kasi kanina kinuha niya po ‘yong itlog na dapat kakainin ko na iniwan ko sa plate.’ Ganiyan. Basta like that.”
Baka Bet Mo: Boy Tapang give ng 100K votes kay Primo para sa PBB eviction
View this post on Instagram
Chika ni Christian, hihingian daw sila ng ibang dahilan kung bakit nila nino-nominate ang isang tao.
“Sasabihin niya sa ‘yo, ‘Kailangan ko ng ibang dahilan. Hindi ko matatanggap.’ May mga gumaganon. Seryoso,” sey pa niya.
Paglilinaw ni Christian, hindi naman scripted ang PBB at patunay nga dito ant ipinakita niyang ugali sa loob at labas ng Bahay ni Kuya.
“‘Scripted talaga?’ Hindi. Noong batch namin, I can 100% say na hindi. Mukha ba akong mag-scripted? Hanggang ngayon parehas pa rin ang ugali ko, hindi.
“I’m just gonna say this once. Of course everybody know me kasi ako ‘yong attitude, ako ‘yong maldita, ako ‘yong buwisit sa buhay nila. ‘Yong mga ganoon,” diin ni Christian.
Umani naman ng samu’t-saring komento mula sa madlang netizens ang naturang video clip.
“Hala. Di ba may NDA silang pinirmahan dyan? OMG, baka malagot si Christian sa pasabog niya,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Yung rason ang hindi tinatanggap, hindi kung sinong housemate. Puro mahihina kukote niyo”
“Ganun naman tlaga, bale hindi iisang reason lang ang iiask sa HMs. example 2 points kay Kuya, dapat may reasons ka, para gagamitin nila sa editing,” sabi pa ng isa.
Giit naman ng isa, “Laughtrip! As someone na nagwork sakanila before, for the past seasons kasi may mga hms na any any lang ang dahilan ng pag nominate. Kaya dapat VALID yung reason para i-nominate mo co-hm mo.”
Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang produksyon ng PBB kaugnay rito.
The post PBB ex-housemate Christian Morones ibinuking nomination process ng PBB? appeared first on Bandera.
