Paola Huyong trending sa mga reposts, patama kay Ryan Bang?

Paola Huyong trending sa mga reposts, patama kay Ryan Bang?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang dating dyowa ng “It’s Showtime” host Ryan Bang na si Paola Huyong.

Ito ay dahil sa mga napansin ng netizens na cryptic reposts nito sa Instagram na tila malalim ang hugot.

Kumalat ang mga screenshots ng IG reposts ni Paola hinggil sa isang lalaki na mas mahalaga ang “image” at “reputation” pero ang totoo ay nananakit naman ng babae.

“Some people wanna look like a good person.

Being one cost more. Some people don’t wanna do better. They just don’t wanna look bad. A clean reputation don’t automatically mean clean hands.If the reputation matter more than the repair, peep game,” unang repost niya.

Baka Bet Mo: Ryan Bang sa hiwalayan nila ni Paola Huyong: ‘I never cheat’

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Isa pang report ni Paola, “Men who abuse women physically, emotionally, or mentally are often the nicest, friendliest men you’ll ever meet.

They’re charming in public, respected by everyone, generous, funny, and the first to offer help. They know exactly how to protect their reputation while destroying someone else’s peace behind closed doors.

“They’re extremely good at making everyone else feel comfortable, except for the people they are already close to. That is why people struggle to believe women when they finally speak. They say, ‘They were always the nicest to me.’

And that’s the whole point.”

Bagamat mabilis natanggal ni Paola ang kanyang mga reposts,  may mga maaagap na netizens na nakapag-screenshot nito.

Palaisipan nga sa netizens kung may kinalaman ba sa kay Ryan ang mga cryptic reposts niya.

Isang taon na rin ang nakalilipas buhat nang kumalat ang chikang hiwalay na sina Paola at Ryan.

Pero tuluyan lang na nakumpirma ang break up ng dalawa sa naging panayam ni Vice Ganda kay Ryan na mapapanood sa YouTube vlog nito.

“Magkaiba pala yung paniniwala, magkaiba pala yung gawi, tsaka magkaiba pala yung thinking, lalo na pagdating sa marriage,” saad ni Ryan sa naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Paola.

Sinubukan naman daw niyang ayusin ang mga pangyayari pero hindi na ito naresolba.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag si Paola at Ryab hinggil sa mga espekulasyon ng netizens.

The post Paola Huyong trending sa mga reposts, patama kay Ryan Bang? appeared first on Bandera.



Source link