Ogie Diaz may hugot sa isyu nina Carlos at Chloe sa Yulo family

Ogie Diaz may hugot sa isyu nina Carlos at Chloe sa Yulo family

Ogie Diaz, Chloe San Jose at Carlos Yulo

BILANG magulang, naglabas ng saloobin ang talent manager at host na si Ogie Diaz tungkol sa isyu ni Carlos Yulo sa kanyang mga magulang.

Muling nabuhay ang kontrobersiya sa pamilya ng two-time Olympic gold medalist nang lantaran niyang sabihin na hindi niya iimbitahan ang kanyang parents sakaling magpakasal na sila ni Chloe San Jose.

Bukod pa rito ang pakikipagbardagulan ni Chloe  sa nanay ni Caloy na si Angelica Yulo at sa lola nitong si Angelita Poquiz sa social media.

Sa kanyang Facebook account, nag-share si Mama Ogs ng kanyang nararamdaman sa sigalot sa pamilya Yulo na pinagpipiyestahan na naman ng mga Marites.

Ni-repost niya ang isang artcard kung saan mababasa ang sinabi ni Carlos na hindi nga invited sa kasal nila ni Chloe ang mga magulang.

“Pag quote card lang at walang kumpletong konteksto, mami-misinterpret at kasusuklaman mo sina Carlos at Chloie.

“Pero kung nakasubaybay ka sa pamilya ni Carlos Yulo, mage-gets mo kung saan nanggagaling ang mga poot nila sa dibdib. Yung nanay at tatay kay Carlos. And vice versa,” simulang komento ni Ogie.

Baka Bet Mo: Chloe barag sa lola ni Carlos, sanay na sanay daw dumila kaya nababaliw apo

Pagpapatuloy niya, “Malungkot ito para sa isang pamilya. Lalo na at maraming marites ang humuhusga. Labanan nga ng Gen X, Millenials and Gen Zs sa pagtrato sa sitwasyon. 

“At the end of the day, wala naman tayo sa bahay nila nung mga bata pa ang mga batang yan. 

“Hindi rin natin alam kung ano dynamics nila at kung paano maging magulang itong nanay at tatay niya. So preno muna sa panghuhusga,” sabi pa niya.

Ayon pa kay Ogie, may nagtanong daw sa kanya na isang kaibigan kung nai-imagine ba niyang gagawin din sa kanya ang ganu’n ng mga anak niya.

“Ang sagot ko: hindi. Kasi alam ko, maayos namin silang pinalaki. At kung dumating ang time na sabihin ng mga anak o kung sinuman ang magpapakasal sa kanila na. ‘Daddy, pwede kami na lang sa kasal? Di na po namin kayo ii-invite?’

“’Okay lang, nak. Kung anong trip nyo. Tapos na naming i-design ng mama nyo ang buhay nyo. It’s about time, kayo naman ang bumuo ng gusto nyo sa buhay.’

“’Importante lang, bubukod na kayo, wag kayo sa bahay ko, kasi choice nyo yan.’

“‘At sa araw ng kasal nyo na hindi kami invited ng mama mo, dapat, wala rin ang parents ng mapapangasawa mo doon. Para mas maintindihan ko ang trip nyo.’

“’Saka wag din kayo makahingi-hingi ng regalo sa akin.’ Charot. Gumanti bigla?! Hahaha!

“But seriously, di rin naman matitiis ng magulang ang anak. At sana, alam nila yan hindi pa man sila nagiging magulang.

“Comment below, baka mali ako,” pagwawakas ni Mama Ogs.

The post Ogie Diaz may hugot sa isyu nina Carlos at Chloe sa Yulo family appeared first on Bandera.

Source link