Niño Muhlach 2 years bawal mag-drive, lisensiya binawi ng LTO

Niño Muhlach 2 years bawal mag-drive, lisensiya binawi ng LTO

Niño Muhlach

PINATAWAN ng Land Transportation Office (LTO) ng dalawang taong revocation ang driver’s license ng veteran actor at negosyanteng si Niño Muhlach.

Ito’y matapos masangkot si Niño sa aksidenteng naganap sa Marcos Highway sa Antipolo City, Rizal noong August, 2026.

Nabangga ng aktor ang ilang establisimyento sa lugar at isang motorista ng minamaneho niyang sasakyan.

Batay sa resulta ng imbestigasyong isinagawa ng LTO, dahil sa labis na kapaguran ni Niño ay nawalan ito ng kontrol sa kanyang sasakyan.

Tatlong gusali ang inararo ng komedyante habang isang motor rider naman ang nasugatan.

Dahil sa ipinataw na parusa ng LTO, mananatiling nasa alarm status ang sasakyan ng aktor para maipatupad ang multa at para maiwasan ang anumang transakyon na kinasasangkutan nito.

“The LTO is serious about enforcing traffic laws, especially regarding violations that could endanger other road users,” ayon kay LTO chief Markus Lacalinao.

Baka Bet Mo: Wifey ni Niño naglabas ng resibo sa nagreklamong biktima ng aksidente

“We will impose appropriate penalties based on the results of the investigation and hearing, regardless of a person’s status,” aniya pa.

Inamin ng aktor sa isang statement na totoong nakatulog siya habang nagmamaneho dahil sa sobrang pagod.

The post Niño Muhlach 2 years bawal mag-drive, lisensiya binawi ng LTO appeared first on Bandera.

Source link