Nadine Lustre trending sa pagsayaw, worthy opponent ni Apple David?

Nadine Lustre trending sa pagsayaw, worthy opponent ni Apple David?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang dance video ng award-winning actress na si Nadine Lustre.

Marami sa mga netizens ngayon ang tawang-tawa sa naturang video dahil hindi umano maganda ang pagkakasayaw ng aktres.

May mga nagsasabi pa nga na worthy opponent raw si Nadine lng kontrobersyal na courtside reporter na si Apple David matapos mapanood ang video.

May mga hanash pa na “meme-able” ang video at nagtatanong kung anong nangyari sa aktres lalo’t hindi naman ito ang unang beses na sumayaw siya.

Baka Bet Mo: Nadine Lustre 2 beses ikakasal kay Christophe, sa Siargao, France

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Agad namang umabot kay Nadine ang mga komento hinggil sa kanyang pagsayaw.

Hindi maiwasang mag-react ng dalaga sa mga “judgers” at ipinaliwanag na hindi siya ok noong kinunan ang video.

““Sandali lang niyo masyadong inudge. Im super out of shape kaya hindi makahataw,” sey ni Nadine.

Pagpapatuloy niya, “Babawi soon.”

Samantala, kinuha na rin ni Nadine ang pagkakataon at nag-promote ng kanyang bagong music video.

“Please watch DONUTS MV sa YT para makita niyo yung full fantasy. Labyu,” sabi pa nga aktres.

The post Nadine Lustre trending sa pagsayaw, worthy opponent ni Apple David? appeared first on Bandera.



Source link