Naaksidenteng rider nag-sorry na sa pamilya ni Niño Muhlach

Naaksidenteng rider nag-sorry na sa pamilya ni Niño Muhlach

BIGLANG kumambiyo ang rider na nadamay sa aksidenteng kinasangkutan ni Niño Muhlach sa Marcos Highway sa Antipolo City, Rizal noong August, 2026.

Matapos maglabas ng kanyang hinaing at reklamo sa social media si Nicolas Villanueva, ang isa sa mga biktima na nasaktan sa naturang insidente, ay bigla nga itong nag-sorry.

Naging mainit na usapan ang pagpo-post ni Villanueva sa Facebook na nagrereklamo sa hindi pagtupad ni Niño sa mga pangako nitong tulong.

Mababasa sa FB post ni Villanueva na burado na ngayon, “Sir NIÑO MUHLACH pangatlong linggo na po. Parang binabalewala na po ninyo ‘yung nangyari sa ‘kin.

Baka Bet Mo: Misis ni Niño bumuwelta sa nagrereklamong biktima ng aksidente

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ang galing galing niyong mangako pag may camera. Wala pala kayung isang salita sa mga sinasabi niyo. 

“Di pa ako nakakapag trabaho dahil sa nangyari sakin pati motor ko di niyo pa rin pinapalitan,” aniya pa.

Niresbakan naman siya ng misis ng aktor na si Diane Abby Tupaz at hinamon na maglabas ng resibo para patunayan ang kanyang mga bintang.

“Totoo ba na walang tinupad si Niño Muhlach sa mga ipinangako nyang tulong??? 

“Ikaw mismo sa sarili mo sigurado ka ba na walang naitulong si Niño? 

“Kung hindi mo kayang aminin sa sarili mo yung totoo eh itanong na lang kaya natin kay Lord? Sya naman ang pinaka nakakaalam ng totoo. 

“Paalala ko nga pala, may schedule ka ulit ng check up sa doctor mo bukas. Sasamahan ulit kayo sa check up mo ng family member namin.

“Yan po ba ang sinasabi nyo na pinabayaan kayo ni Niño and hindi kayo inaasikaso???” ang post ni Diane sa kanyang Facebook page.

Kasunod nito at matapos ngang makatanggap ng kaliwa’t kanang pamba-bash mula sa netizens, humingi ng tawad si Villanueva kina Niño at Diane.

Post niya sa FB, “Isang taos-pusong paghingi ng paumanhin sa inyong lahat. Ako ay humihingi ng malalim na patawad sa aking mga nasabi at nagawang kamakailan. 

“Alam ko na ang aking mga kilos ay nakasakit at nakadisakto (nakasama) sa marami sa inyo, at walang rason para balewalain ko ito.

“Buong-puso kong tinatanggap ang responsibilidad sa aking pagkakamali. 

“Hindi ko sinasadya na makasakit, pero alam ko na ang epekto ng aking ginawa ay totoo at seryoso,” aniya.

Sabi pa ng rider, “Marami akong natutunan sa pangyayaring ito. Sana ay mabigyan ninyo ako ng pagkakataon na patunayan ito sa pamamagitan ng aking mga susunod na kilos.

“Muli, humihingi po ako ng patawad sa inyong lahat Maam Diane Abby Tupaz, Sir Niño Muhlach, Maam Angela Muhlach Hortaleza,” aniya pa.

Mensahe pa niya, “Taos puso po ako humihingi ng kapatawaran po. Nagawa ko lang po dahi sa dala nang aking emosyon dahil sa motor ko po ako umaasa para may pang suporta po ako sa pang araw araw namin. 

“Muli hindi kabawasan sakin ang paghingi ng kapatawaran upang maging maayos po ang lahat. Maraming maraming salamat po,” ang pahayag pa ni Villanueva kalakip ang mga litrato niya kasama si Diane.

The post Naaksidenteng rider nag-sorry na sa pamilya ni Niño Muhlach appeared first on Bandera.



Source link