MTRCB nakatanggap ng mahigit 100 complaints laban sa ‘Pinoy Big Brother Collab 3.0’

MTRCB nakatanggap ng mahigit 100 complaints laban sa ‘Pinoy Big Brother Collab 3.0’

KASALUKUYANG nire-review ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mahigit 100 reklamo na kanilang natanggap mula sa mga manonood ng “Pinoy Big Brother Collab 3.0“.

Sa kanilang inilabas na official statement nitong Huwebes, November 12, ibinahagi nila na gumagawa na sila ng aksyon tungkol sa mga reklamong natatanggap laban sa programa.

“The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) is looking into scenes and interactions in recent episodes of ‘Pinoy Big Brother Collab 3.0″ after receiving over 100 complaints from viewers in the past few days,” panimula ng MTRCB.

Pagpapatuloy nila, “The Board said it would discuss the viewers’ concerns with the show’s production team as part of their review.”

Baka Bet Mo: Gabriela nag-react sa ‘dinosaur’ issue: Hindi tropeo ang mga babae

View this post on Instagram

A post shared by Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) (@mtrcbgov)

“While this is underway, the MTRCB reminded PBB management to exercise greater care to ensure that each episode complies with the guidelines for the reality television show’s assigned age rating,” pagtatapos nito.

Wala namang sinabi ang ahensya kung ano ang mga reklamong natanggap nila laban sa programa.

Bago pa ang inilabas na anunsyo ng MTRCB, marami na ang kumakalampag sa produksyon ng PBB hinggil sa “dinosaur” issue ng mga male housemates na parang ginagawang tropeo umano si Gehlee Dangca at kompetisyon kung sino ang mas mapapalapit dito.

Bukod pa rito, may issue rin sa pagtawag ni Anthony Constantino ng “dookie” sa kapwa housemate na si Primo Alterado pati ang pag-twist nito ng bote sa bibig ni Primo habang pinapainom niya ito noong pinatawan ng parusa sa mfa violations ang mga housemates.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas ang pamunuan ng PBB hinggil sa kinakaharap na isyu.

The post MTRCB nakatanggap ng mahigit 100 complaints laban sa ‘Pinoy Big Brother Collab 3.0’ appeared first on Bandera.



Source link