IPINAGTANGGOL ng award-winning veteran actress at The EDDYS Icon na si Snooky Serna ang kanyang kaibigang si Diamond Star Maricel Soriano.
Usap-usapan kasi ngayon sa social media ang video interview kay Maricel sa isang presscon kung saan pinuna ang itsura ng mukha nito habang nagsasalita.
Pinutakti ng mga negatibong komento mula sa mga netizens ang premyadong beteranang aktres habang nabahala naman ang ilan sa kanyang mga tagasuporta hinggil dito.
Nakachikahan ng BANDERA at dalawa pang entertainment editor si Snooky sa mediacon ng bago niyang pelikula, ang “40 Days” kung saan kasama niya ang isa pa niyang friend na si Dina Bonnevie.
Natanong siya kung ano ang masasabi niya sa mga negatibo at malilisyosong comments laban sa kanyang kaibigan.
Tugon ni Snooky, “Sa totoo lang, nakikita ko paminsan-minsan pero I’d rather not… hindi ko sila gino-glorify. Kasi, what for? Bakit mo igo-glorify yung mga nega?
“Ako, ang feeling ko naman sa mga yan, kasi yung mga nagne-negative comments, mga either bored sa buhay yan, walang magawa or self-righteous.
“Feeling niya mas nakakaangat, mas marunong kesa sa ibang tao, yung mga mas magaling sa amin, di ba, na kaya naman mga ’to galit sa mundo, di ba?
“Pero lately, dear, hindi ko nakikita yung mga lumalabas na pinaka-very late. Kasi nga, kapag may nakikita akong bad tungkol kay Maricel, ooopps! ‘Ayoko nang basahin ‘to.’
Baka Bet Mo: Maricel Soriano ipinagtanggol si Bela: They cannot put a good actress down!
“Kasi ayokong ma-corrupt ang aking brain. What for? Hindi ko naman ikakaganda, ikakaganda talaga, o?!” katwiran ni Snooky Serna.
Pagpapatuloy pa niya, “Pero minsan nakapatol na ‘ko, kaya siguro nga I’ve learned my lesson na, ‘ooopps, mag-count to 10 ka na lang muna, wag mo na lang patulan.’
“Kasi una sa lahat, hindi mo naman ikakabuti ito. It’s not going to make me a better Christian.
“Ikalawa, hindi mo naman ikakabata. Pangatlo, hindi mo naman ikagaganda, so wag na ‘no, pati hindi mo naman ikayayaman, pabayaan na lang. I know her (Maricel) better than anyone else,” dagdag ni Snooky.
“It’s not going to make me a better person. It’s not going to bring me closer to God or glorify God. It’s not going to make me prettier, it’s not going to make me richer, eh, ba’t pa natin bibigyan ng panahon? ‘Wag na, ‘no. I don’t have time for them. I dont have time for them!?” aniya pa.
Sey pa ng aktres, hindi na niya kailangang payuhan pa si Maricel o si Dina dahil bata pa lang sila, ay palaban at fighter na talaga ang dalawa.
“Ako, mahina ako. In my flesh, mahina ako but in God’s good grace alone, binibigyan ako ng Panginoon ng courage and the strength to… or maybe the patience to not get affected by these things.
“Kasi kapag iniisip ko, ‘di ba, na sa dami ng nangyayari sa mundo, parang talaga ba? Ito ba bibigyan natin ng pansin? Talaga ba? ‘Wag na lang, ‘no. Bakit? Sisikat pa siya, kung sino man yon. Ang taray, ha! Hahaha! Natututo na ako kay Maricel at kay Dina, ha?” ang sey pa ni Snooky.
Samantala, showing na sa December 9 ang “40 Days” na dream project ng yumaong talent manager nina Snooky at Dina na si Leo Dominguez.
Ito’y ipinrodyus ng kapatid ni Leo na si Carol Dominguez at kaibigang si Freddie Blasco sa ilalim ng LVD Management Corp., isang division ng John Clements Consultants.
Mula sa panulat ni Jessie Villabrille at direksyon ni Louie Ignacio, kasama rin sa cast sina Elizabeth Oropesa, Lotlot de Leon, Perla Bautista, Lloyd Samartino, Diego Gutierrez at Ricardo Cepeda.
Introducing sa movie ang young LVD artists na sina Jayson David at Yvonne Asher kasama ang mga baguhang sina Franchezca Albo, Edrei Rosel, Arcelle Cabigting at Damian Efergan.
The post Maricel Soriano ipinagtanggol ni Snooky: Bakit mo igo-glorify mga nega? appeared first on Bandera.
