Marian Rivera pasabog sa ‘GGV’; Kilalang aktor uminda sa ‘utang na loob’ sa politiko

Marian Rivera pasabog sa ‘GGV’; Kilalang aktor uminda sa ‘utang na loob’ sa politiko

“Ang hirap magkaroon ng utang na loob sa pulitiko, ang mahal maningil,” ito ang tsika ng aming source tungkol sa kilalang aktor na nakahingi ng pabor sa isang opisyal ng gobyerno.

May matinding pinagdaanan ang kilalang aktor noon na hindi lumabas sa balita dahil kaagad itong naagapan ng hiningan niya ng tulong ang nasabing opisyal ng gobyerno.

Umayos naman na ang naging problema ng kilalang aktor at ilang araw lang ang lumipas nang naging okay na ay tumawag sa kanya ang politikong tumulong at nanghihingi ng malaking halaga bilang pondo sa pagkandidato niya sa susunod na eleksyon.

“Nagulat siyempre si (kilalang aktor) kasi wala naman silang usapan at akala niya ‘tulong’ talaga pero iba at sinabi niya (politiko) talaga na kaikandidato siya at kailangan niya ng malaking pang pondo.

“Siyempre kahit gulat si (kilalang aktor) wala siyang nagawa kasi natulungan siya.  Nag-usap sila at nagkasundo sa presyong ilalabas ni (aktor).

“Nu’ng nalaman ko, grabe presyo ng kalahating kinita ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richard, ‘yung second movie nila ha, hindi ‘yung una,”kaseal na kuwento ng source.

Wala raw choice ang kilalang aktor kesa naman hindi siya natulungan sa problema niya dati.

***

Magsasama ang dalawang box-office stars na sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Phenomenal Unkabogable Superstar Vice Ganda ngayong Linggo (Oktubre 25) sa “GGV,” na mapapanood ang unfiltered version exclusively sa iWant.

Sa kanyang “GGV” debut, handang-handa na si Marian sa kulitan at tawanang hatid nina Vice at ang Geng Gang. Bukod sa matinding hiritan, ikukuwento rin ng aktres ang kanyang pagsisimula sa showbiz, at isa-isang haharapin ang mga mainit-init na chismis patungkol sa kanya.

Ibabahagi rin ni Marian ang kanyang karanasan at mga dapat abangan sa Star Cinema film na “Remember” na mapapanood sa mga sinehan simula Nobyembre 11.

Pagbibidahan din ni Dingdong Dantes at mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar ang “Remember,” na balik-tambalan ng mag-asawang DongYan pagkatapos ng 2023 box-office hit na “Rewind.”

Abangan ang uncut at unfiltered kulitan nina Vice at Marian sa “Gandang Gabi Vice: Unfiltered,” ngayong Linggo, 11 PM sa iWant. Mapapanood ang mga unfiltered episode nito sa pamamagitan ng iWant subscription plan sa halagang P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 sa iba pang bahagi ng mundo

Panoorin ang iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.

Mapapanood din ang “Gandang Gabi Vice” tuwing Linggo, 10 PM sa GMA habang ipalalabas din ang TV episode nito nang libre sa iWant (para lamang sa PH users).

Sundan ang @ABSCBNGGV sa Facebook, X, TikTok, at Instagram para sa iba pang “GGV” updates.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

The post Marian Rivera pasabog sa ‘GGV’; Kilalang aktor uminda sa ‘utang na loob’ sa politiko appeared first on Bandera.

Source link