HINDI na nakapagtimpi ang Kapamilya singer-actress na si Lyca Gairanod sa mga epal na bashers sa social media.
Talagang patol kung patol na ang peg ng dalaga sa mga netizen na walang ginawa kundi pakialaman ang mga pinaniniwalaan at pinaninindigan niya sa buhay.
Sa isang TikTok Live, naglabas ng sama ng loob ang first-ever grand champion ng “The Voice Kids Philippines” sa mga nangnenega sa kanya sa socmed.
“Bakit niyo ba ako pinapakialaman?” ang matapang na resbak ni Lyca.
“Hindi ako… ayoko kasing sabihin ‘yung mga names, eh,” aniya pa.
Ipinagduldulan pa niya sa mukha ng mga bashers na wala siyang katiwa-tiwala ngayon sa lagay ng politika sa Pilipinas.
“Wala akong pinaniniwalaan in politics. That’s it. Wala akong tiwala sa politics,” saad ng singer.
Baka Bet Mo: Lyca Gairanod inakusahang DSS: Wala akong dapat patunayan sa inyo
Nagsimula ang mga isyu kay Lyca nang sumikat uli at mag-viral ang 2015 song niyang “Puede Nang Mangarap”.
Bukod dito, binigyan din ng kulay ng ilang netizens ang pag-follow daw niya sa official socmed account nina President Bongbong Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte.
May mga nag-post din ng screenshots sa socmed ng pag-unfollow daw niya kina PBBM at VP Sara nang makatanggap ng backlash online.
Matatandaang sinagot na rin ni Lyca ang ilang kumukuwestiyon sa kanyang political views.
“Wala akong kailangang patunayan sa inyo. I worked hard for my family. Please don’t take it personally. Love you, y’all,” ani Lyca.
The post Lyca Gairanod nabwisit na: Bakit n’yo ba ‘ko pinakikialaman!? appeared first on Bandera.
