AMINADO ang premyadong aktres na si Lotlot de Leon na relate much siya sa istorya ng bago niyang pelikula, ang suspense-family drama na “40 Days.”
Makakasama niya sa movie sina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Elizabeth Oropesa at Perla Bautista.
Ang “40 Days” ay kuwento tungkol sa pagkamatay ni Dolores Castro o “Lola Ganda” played by Perla Bautista – ang 89-anyos na matriarch ng pamilya Castro na may dementia.
Habang hinihintay ang pa-40 days ng namatay na lola, napilitang magsama-sama sa kanilang ancestral house ang magkakapatid na sina Rita (Dina), Teresa (Elizabeth) at Luna (Lotlot) kasama ang iba pa nilang kapamilya.
Baka Bet Mo: Lotlot de Leon bet na bet si Jericho para kay Janine
View this post on Instagram
Kasunod na nga nito ang mga plot twists sa istorya kung saan naungkat at naglabasan ang kanilang mga sugat dulot ng samaan ng loob ng magkakapamilya.
Sa naganap na grand mediacon ng “40 Days” kahapon, November 13, natanong nga si Lotlot kung paano siya nakaka-relate sa pelikula.
Alam naman ng publiko na nagkaroon din ng hindi pagkakaunawaan si Lotlot at kapatid na si Ian de Leon matapos pumanaw ang kanilang inang si National Artist at Superstar Nora Aunor last year.
Sabi ng seasoned actress, nababasa at napapanood lamang niya sa mga pelikula ang tungkol sa pag-aaway ng magkakapatid matapos pumanaw ang mga magulang at hindi niya akalaing mangyayari ito sa kanya in real life.
“Actually, if I’m going to be honest, ang dami kong nababasa na ganu’ng istorya, napapanood na ganu’ng istorya, and ‘yun nga, if I’m going to be honest, I never thought that this could happen to me also. So, nagpapakatotoo lang ako,” ang pahayag ni Lotlot.
Pagpapatuloy niya, “It’s actually sad, nakakalungkot. But siyempre, iba naman ‘yung karakter ko dito, but just the same, I think, when you watch this movie, you’ll also realize that at the end of the day, dapat nangingibabaw is ‘yung pagmamahalan at pag-uunawaan.
“Kasi, that’s when you need each other most, when you lose someone you love lalo na kung parent, kagaya ng dito sa istorya,” esplika pa ng panganay na anak ni Ate Guy.
Samantala, naikuwento naman ng direktor na si Louie Ignacio na medyo personal sa kanya ang kuwento ng “40 Days” lalo na ang karakter ni Perla Bautista.
Sabi ni Direk Louie, ang kanyang yumaong nanay na may dementia ang naging inspirasyon niya sa pagbuo ng kuwento ng “40 Days”.
Siya ang nag-alaga sa kanyang ina mula nang magkasakit ito hanggang sa mamaalam. Saksi talaga siya sa unti-unting pagkawala ng alaala ng kanyang pinakamamahal na ina.
Ang “40 Days” ay mula sa LVD Management Corp., na itinatag ng yumaong talent manager at producer na si Leo V. Dominguez na pinamamahalaan ngayon ng mga executive producers na sina Freddie Blasco at Maria Carolina Dominguez (kapatid ni LVD).
Kasama rin sa pelikula si Lloyd Samartino, at ang mga young artists na sina Diego Gutierrez (anak ni Lotlot), Damian Efergan, Franchezca Albo, Jayson David at Yvonne Asher.
Showing na ang “40 Days” sa mga sinehan simula sa December 9, 2026.
The post Lotlot de Leon relate much sa ’40 Days’: Nagpapakatotoo lang ako appeared first on Bandera.
