Kris Aquino, Bimby nakita si James Yap sa ospital, ‘utang’ ipinaalala

Kris Aquino, Bimby nakita si James Yap sa ospital, ‘utang’ ipinaalala

James Yap, Kris Aquino at Bimby Aquino-Yap

MULING nag-krus ang landas ng dating mag-asawa na nina Kris Aquino at James Yap sa isang ospital kamakailan.

Magkasama sina Kris at anak na si Bimby nang mangyari ang hindi inaasahang pagkikita nila ni James makalipas ang mahabang panahon.

Chika ng TV host-actress, siya pa mismo ang unang bumati sa dating mister nang magkita sila.

Ikinuwento nina Kris at Bimby ang naturang encounter sa kanilang livestream para sa isang e-commerce platform.

Bagama’t hindi na nila idinetalye kung kailan eksaktong nangyari ang kanilang chance encounter, sinabi ni Bimby na nasa ospital si James para sa anak nitong si Francesca.

“We ran into (James) in the hospital. I like this because I feel na it’s good to have love, love, love and peace on earth. Ako pa ‘yung nag-hello kasi nakita namin ‘yung tatay ni Bimb.” 

“They were holding the elevator for us actually tapos sabi ko, ‘Join us’.

“He said (kay Bimby) ‘Uy, tangkad mo na.’ And then I said, ‘Yes, he’s taller than you,’” chika ni Kris.

Baka Bet Mo: James na-shock nang maging ‘girl’ si Bimby

Sey naman ni Bimby may mga sinabi pang mga “nice, honest” things ang kanyang mama kay James. Pero hirit ni Kris, “Yes, but I’m censoring myself.”

Bago raw sila tuluyang mag-goodbye sa isa’t isa, ipinaalala ni Kris kay James na may “utang” pa siyang kotse sa kanilang anak.

“I feel proud of you kasi madali naman talagang…you were 8, so it’s been 11 years na…’wag na natin sabihin, but anyway, pwedeng-pwede ka…karapatan mo as his child to ask for something. 

“But he said, ‘Mama, I don’t feel comfortable and I’m earning,’” chika ni Kris.

Nagpasalamat din siya sa dating asawa dahil, “Nandu’n ‘yung spirit of trying to reach out.”

Sabi naman niya kay Bimb, “I’m happy for you because at least hindi na puro sa media dinadaan. Diretso na na kayong dalawa lang.”

Pinuri naman ni Bimby ang kanyang ina dahil ito ang nagkusang bumati sa kanyang ama. 

Aniya, hindi maganda kung hindi nila ito gagawin, lalo’t nagkita naman sila nang hindi inaasahan.

The post Kris Aquino, Bimby nakita si James Yap sa ospital, ‘utang’ ipinaalala appeared first on Bandera.

Source link