Kakai Bautista: Ayaw ng Pax Silica, panay naman post n’yo ng AI

Kakai Bautista: Ayaw ng Pax Silica, panay naman post n’yo ng AI

MULING bumoses ang singer-comedienne na si Kakai Bautista laban sa mga Pinoy na tutol sa pagpapatayo ng Pax Silica pero patuloy ang paggamit ng artificial intelligence o AI.

Sa kanyang Facebook post nitong Linggo, September 20, nagpahaging siya sa mga tutol sa pagpapatayo ng data hub sa bansa pero taliwas naman ang sinasabi sa ginagawa sa mga social media posts.

“Kayo naman ayaw nyo ng PAX SILICA tapos panay naman ang Post nyo ng AI. Huy naman,” saad ni Kakai.

Aniya, wala naman daw siyang nakikitang problema sa paggamit ng AI paminsan-minsan pero abusado rin ang iba.

Baka Bet Mo: Kakai Bautista, Ai Ai tinawag na ‘engkanto’,  isinumpa ang basher

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ok naman siguro isa, pero araw araw? Huy,” sabi pa ni Kakai.

Pagtatapos niya, “Magdecide naman kayo kung kaya ipractice ang pini-preach guysh. Ha?”

May pahabol naman na hirit si Kakai sa comment section.

“PAG MAHINA SA READING COMPREHENSION WAG NANG MAG COMMENT Ha? PLEASE. HIRAP eh. NAKAKAPAGOD Mag-explain. Thanks guysh!” sey ng komedyana.

Marami naman sa mga netizens ang nag-comment at nag-react sa naturang post ni Kakai.

“True! Tapos nanunuod pa ng mga AI movie hahaha,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Kakai Bautista Pwede naman silang magtayo pero wag sa mga lupain natin, dun sila magtayo sa dagat at tubig dagat ang salain nila at gamitin para sa pagpapatakbo ng mga AI hubs nila, wag sa lupa.”

“#NoToPaxSilica daw pero panay ang nood ng AI drama,” hirit pa ng isa.

Matatandaang gumawa ng ingay sa social media ang mga balitang magtatayo ng AI hub na tinatawag na “Pax Silica” na pinangungunahan ng Amerika sa New Clark City sa Tarlac.

Marami sa mga Pinoy maging ang ilang celebrities ang bumoses at nanawagang huwag nang ipatayo sa Pilipinas ang naturang AI hub dahil sa mga magiging masamang epekto nito sa bansa.

The post Kakai Bautista: Ayaw ng Pax Silica, panay naman post n’yo ng AI appeared first on Bandera.



Source link