Julia Barretto nireregaluhan ng bag si Marjorie tuwing pumapaldo!

Julia Barretto nireregaluhan ng bag si Marjorie tuwing pumapaldo!

PHOTO: Instagram/@marjbarretto

HINDI lang sarili ang gustong mapasaya ni Julia Barretto sa tuwing may nakakamit siyang tagumpay dahil bahagi rin ng kanyang celebration ang pagbibigay ng regalo sa inang si Marjorie.

At ano nga ba ang madalas niyang ibigay sa ina? Walang iba kundi mga bag!

“Parang naging tradition na namin ni Mommy na kapag may mangyayari sa life ko, there is a bag for her,” sey niya sa isang event.

Wika pa niya, “She really makes use of the bags we give her.”

Baka Bet Mo: Julia Barretto sa pagiging freelancer: I’m now open to opportunities!

At isa nga sa mga recent achievement ng aktres ang tagumpay ng pelikulang “Always Yours, Never Mine” na kumita ng mahigit P100 million.

Bilang may mga kapatid ding babae si Julia, uso rin sa kanilang pamilya ang pagpapasahan at pagpapalitan ng mga bag.

Ito rin ang dahilan kaya hindi si Marjorie ang masaya sa pagkakaroon ng bag dahil pwede nitong ipamana ang mga koleksyon sa mga kapatid ni Julia.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagdating ng magagandang oportunidad sa career ni Julia ngayong 2026.

Bukod sa “Always Yours, Never Mine” katambal si Joshua Garcia, mapapanood din siya sa horror film na “Haunted Carnival,” na isa sa mga official entries ng 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF). 

Makakasama niya rito sina James Reid, Maricel Soriano, John Arcilla, Fyang Smith, at iba pang artista.

The post Julia Barretto nireregaluhan ng bag si Marjorie tuwing pumapaldo! appeared first on Bandera.

Source link