John Arcilla mas takot sa mga korap kaysa multo: Nakakapatay sila!

John Arcilla mas takot sa mga korap kaysa multo: Nakakapatay sila!

PHOTO: Facebook/Bobby Requintina

HINDI multo, halimaw o kung anu-anong kababalaghan ang tunay na kinatatakutan ng batikang aktor na si John Arcilla.

Ayon sa kanya, mas takot siya sa mga taong may kakayahang kumitil ng buhay, partikular na ang mga korap na pulitiko!

“Hindi ako fan ng scary movie. But I can do that. Kasi mas gusto kong ako yung gumagawa ng nakakatakot na bagay,” sey niya sa isang mini presscon na dinaluhan ng INQUIRER para sa pelikulang “Haunted Carnival,” official entry ng Regal Entertainment sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026.

“Pag nanonood ako ng scary movies, sinasabi ko lagi, ‘Ah, oo, ginagawa ko ‘yan eh’…Nilalabanan ko. Kaya boring akong manood ng scary. But I do scary films,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: John Arcilla sa pet crematorium: Makulong ang may pananagutan

Pero kung pelikulang katatakutan ang pag-uusapan, tila mas nakakatakot para kay John ang mga totoong taong may masasamang gawain kaysa sa mga karakter na napapanood lamang sa big screen.

Partikular niyang binanggit ang mga tiwaling opisyal at mamamatay-tao na hindi mo raw alam kung kailan gagawa ng masama at maglalagay sa panganib sa buhay ng ibang tao.

“Mas takot ako doon sa mga tao. Halimbawa, kagaya ng mga korap. ‘Yung mga mamamatay-tao. Mas doon pa ako natatakot. Kasi hindi mo alam kung kailan ka nila babanatan,” pahayag ng aktor.

Paliwanag pa niya, “Kasi yung mga korap nakakapatay ng tao. Isipin mo na lang. Sa flood control, ilang-ilang libong namatay na tao. Nakakapatay ‘yung korap kaya nakakatakot sila.”

Samantala, kasama si John sa star-studded cast ng “Haunted Carnival,” na idinirek ni Joey De Guzman.

Tampok din sa horror-thriller sina Maricel Soriano, Julia Barretto, James Reid, Fyang Smith, RK Bagatsing, Ronnie Alonte, Charlie Fleming, Prince Carlos, at Joaquin Arce.

Mapapanood ang “Haunted Carnival” sa mga sinehan simula December 25, bilang ikatlong installment ng “Haunted” movie franchise ng Regal Entertainment.

Sinundan nito ang “Haunted Mansion” noong 2015 at “Haunted Forest” noong 2017.

The post John Arcilla mas takot sa mga korap kaysa multo: Nakakapatay sila! appeared first on Bandera.

Source link