NA-PREDICT na ng premyadong aktres na si Janice de Belen ang pakikipagrelasyon ni Kaila Estrada sa kapwa nila artista.
Muling nagsalita si Janice tungkol sa love story ng kanyang anak na si Kaila at ng Kapamilya actor-singer na si Daniel Padilla.
Natanong ang 9th The EDDYS Movie Icon about Kaila and DJ sa talk show na “Stars on Stars” sa Jeepney TV at kung ano ang naging reaksyon niya rito.
“Ano ‘yung naramdaman ko? Wala naman. Kasi na-predict ko na rin naman na may mga ganitong mangyayari kasi siyempre nag-umpisa ako sa showbiz,” sagot ni Janice.
“Halos lahat ng naging boyfriend ko, ‘yung napangasawa ko, showbiz din. Eventually, magkakaroon siya ng karelasyon na showbiz.
“Of course, hindi mo lang alam kung sino, ‘di ba? Mamimili ka lang. ‘Sino kaya dito?’” aniya pa.
Pagpapatuloy niya, “So nu’ng time na ‘yun na natsitsismis, ang naiisip ko, kailangan kong tingnan. Kasi feeling ko, there’s a possibility.
“Siyempre kapag sinabi mo kay Kaila, sasabihin niya, ‘Hindi, hindi, hindi,’” saad ng beteranang aktres.
Baka Bet Mo: Daniel napilitang umamin : Opo, baliw na baliw ako kay Kathryn!
Patuloy ni Janice, “Saka nasasabi ko na sa kanya na ‘pag showbiz ang naging boyfriend mo, whether you like it or not, the relationship will be public.
“Hindi mo maiiwasan, especially depende pa kung sino. So nu’ng nangyari naman ‘yun, eh ‘di, prediction games,” sey ng aktres.
Never din daw siyang nakialam sa love life ng mga anak, “It’s her life. She’s an adult. There is nothing I can do and there is nothing I want to do.”
“Basta masaya siya. Again, basta masaya ang anak mo, ‘yun lang ang importante. Okay ka du’n,” aniya pa.
Unang nagkatrabaho sina Kaila at Daniel sa ABS-CBN action-drama series na “Incognito” at mula noon ay madalas na silang makitang magkasama together.
Wala pang diretsahang pagkumpirma ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon pero base sa kanilang mga social media post, lantaran na ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.
The post Janice de Belen sa relasyong Kaila-Daniel: It’s her life, she’s an adult appeared first on Bandera.
