APRUB sa aktres na si Isabel Oli ang napipintong muling pagbabalik tambalan ng kanyang asawang si John Prats sa dating ka-loveteam na si Heart Evangelista.
Ibinahagi ni Heart sa kanyang Instagram page ang mga sweet photos nila ni John na may kasamang caption na “Shall we?”
Makikita naman sa isa sa mga nagkomento sa comment section si Isabel.
“Soon [emoji]” ang mababasa sa comment niya.
Baka Bet Mo: Heart Evangelista, John Prats pasabog ang project after 23 years
View this post on Instagram
Very supportive rin si Isabel sa muling pagsasama onscreen nina John at Heart.
Sa katunayan, ni-reshare rin niya sa kanyang Instagram story ang art card ng GMA Network tungkol sa nilulutong pagbabalik-tambalan ng dalawa.
Batay sa post ng Sparkle GMA Artist Center na ni-repost ni Isabel, confirmed na confirmed na muling magtatambal sina John at Heart sa isang pelikula, under Cornerstone Studios.
“Global Fashion Icon Heart Evangelista and John Prats are back together on the big screen as their much-awaited reunion project is officially unveiled at today’s media conference held at the Cornerstone Studios,” mababasa sa naturang post.
Bukod nga kay Isabel, marami rin sa mga naging faney ng dalawa ang excited na muling magsama sila sa isang movie.
Marami ang nagmahal sa tambalang John-Heart nang magsama sila sa youth-oriented series ng ABS-CBN na “G-Mik” at “Berks.”
Nagsama na rin sila sa mga pelikulang “Trip” (2001), “My First Romance” (2003), at “Ang Tanging Ina” (2003).
Hindi na nga mapigil ng ilang netizens ang kanilang saya at excitement sa pagbibigay-patikim ni Heart sa reunion project nila ng actor-director na unang boyfriend niya at tinawag pang “first love”.
The post Isabel Oli payag ba sa ‘balikan’ nina John Prats, Heart Evangelista? appeared first on Bandera.
